Tagalog News: TESDA ipinagdiriwang ang ika-13 anibersaryo
Manila (21 August) -- Ang Technical Education ang Skills Development Authority (TESDA) ay magsasagawa ng iba't-ibang skills competition tulad ng sports fest at singing contest, educational fora/symposia at iba pa upang ipagdiwang ang ika-labingtatlong anibersaryo nito na nagsimula kahapon Agusto 20 at magtatapos sa Sabado Agusto 25 ngayong taon.
Magbibigay din ito ng annual awards at recognition sa mga ulirang empleyado ng TESDA, Kabalikat Award naman para sa outstanding partners nito at ang prestihiyosong President Ramon Magsaysay Award para sa outstanding TekBok graduates.
Inaasahan namang mag-aanunsiyo ng mga panibagong programa ng TESDA si Secretary Augusto Boboy Syjuco at anniversary benefits para sa mga manggagawa nito ganun din ang paglagda nito sa mga Memorandum of Agreements (MOA) sa iba't-ibang stakeholders at partners ng TESDA kasabay ng ipinagdiriwang nitong anibersaryo. (Lgtomas/PIA 12) [top]