Tagalog News: Ampatuan ng ARMM kinondena ang pagpasabog sa Batasan
Koronadal City (16 November) -- Nagpahayag ng pakikiramay si ARMM governor Zaldy Ampatuan sa mga naulila at kaibigan ni Basilan Congressman Wahab Akbar.
Isa sa mga regular na dumadalo sa taunang State of the Region Address (SORA) ni Regional Governor Ampatuan si Akbar kung kayat nagpahayag ng kalungkutan ang gubernador sa pagpanaw ni Akbar sanhi ng pagsabog sa Batasan complex kamakailan.
Si Akbar na sinasabing ka-alyado ni Maguindanao governor Datu Andal Ampatuan ay biktima ng pagsabog noong Lunes ng gabi sa Batasan complex.
Nakatakdang isasagawa sa Lunes, November 19, 2007 ang SORA ni Regional Governor Ampatuan kung saan kanyang i-uulat ang mga naging accomplishments gayundin ang mga panibagong proyekto at programang pangkaunlaran sa autonomous region bago matapos ang huling taon ng kanyang first tem bilang regional governor at bago idaos ang ARMM elections sa September 2008.
Dobleng higpit ng security ang pinaiiral at ipinatutupad sa compound ng ARMM bunsod ng insidente ng pagsabog sa Batasan. (pbc/PIA 12) [top]