Tagalog News: ARMM magdiriwang ng ika-18th annivesary
Koronadal City (16 November) -- Ang Regional Sports Coordinating Office (RSCO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nakatakdang magdaosng limang araw na Sports Festival sa ika 20-24 ng Nobyembre ng kasalukuyang taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng 18th anniversary ng autonomous government.
Ang aktibidad na may temang "Human Discipline, Peace and Social Progress through Sports" ay uumpisahan sa pamamagitan ng pagparada ng mga opisyal at empleyado ng ARMM at susundan ng isang cultural presentation sa ilalim ng Bureau of Cultural Heritage (BCH).
Ang naturang pagdiriwang ay tatampukan ng paligsahan sa larangan ng iba't-ibang laro tulad ng ball games, mind games at iba pa.
Ayon naman kay RSCO Coordinator Vincent Ostique, layunin ng pagdiriwang na mapaunlad ang kakayahan ng mga mamayan sa iba't-ibang larangan ng palaro at magbigay ng kasiyahan. (Lgtomas/PIA 12) [top]