Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/04

Tagalog News: Mga mag-aaral sa ikalawang distritong SK, magkakaroon ng scholarship

by Ariel Arsenio

Koronadal City (4 August) -- Hindi na magtatagal ay magkakaroon na rin ng scholarship benefits ang mga kabataang mag-aaral sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Sultan Kudarat sa pamamagitan ng scholarship program ni Congressman Arnulfb F. Go.

Ang nabanggit na scholarship program ay kahalintulad din ng scholarship program na inilunsad kamakailan ni Sultan Pax. S. Mangudadatu, Al Haj ng unang distrito ng lalawigan.

Sa ilalim ng programa, hindi na kailangan pang problemahin ng mga magulang ang gastusin ng kanilang mga kabataan sa buong taon para sa mga mag-aaral ng ika-lima at ika-anim na baitang.

Kabilang na rin sa scholarship program ang mga kabataang mag-aaral sa sekondarya.

Sa isang panayam kay Congressman Go, sinabi nito na maliban sa iba't ibang mga proyekto na kaniyang ibinahagi sa tulong ng Department of Education, isa rin aniya ito sa higit na makakatulong upang magkaroon ng de-kalidad na edukasyon ang mga kabataan sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Kamakailan lamang, ani Congressman Go, marami na rin sa mga mag-aaral sa ikalawang distrito ang nabiyayaan ng scholarship grant mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED). (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Mga mag-aaral sa ikalawang distritong SK, magkakaroon ng scholarship
»Tagalog News: NFA rice outlets patuloy ang serbisyo
»Tagalog News: SK Nutrition Month culmination program isasagawa
»Tagalog News: "Diskwento: Presyong Pang-Empleyado" project inilunsad ng DOLE
»Tagalog News: PGMA ikinagalak ang pagdating ng bagong Timor Leste Ambassador
»Tagalog News: PGMA naghandog ng Gawad Kalasag award
»Tagalog News: Pinakamataas na satisfaction rating nakuha ng imprastrasktura
»Tagalog News: Rating ng administrasyon sa SWS survey nakakuha ng satisfaction rating
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines