Tagalog News: AFP nangakong protektahan ang karapatan at karangalan ng mga kabataan na naapektuhan ng kaguluhan
Manila (25 May) -- Bilang tugon sa ulat ng United Nations, pinagtibay muli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangako at determinasyon nito na protektahan ang karapatan at karangalan ng kabataan at mabigyan ang mga ito ng tulong para maginhawaan ang mga ito sa epekto ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Nakapaloob ang commitment ng Sandatahang Lakas sa mga patakaran, patnubay at mga direktiba ng Republic Act 7610 o ang batas sa nagsasaad ng pagbigay ng matibay na paghadlang at special protection laban sa pang-aabuso sa kabataan, pagsasamantala at pang-aapi at ng RA 9344 na mas kilala bilang Juvenile Justice Welfare Act.
Ayon kay Brig. Gen Francisco Cruz Jr., commander ng Civil Relations Services ng AFP, pinaka-proyoridad nila ng pigilan ang recruitment ng mga bata para maging child combatants.
Isa rin sa mga signatories ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa Handling and Treatment of Children involved in Armed Conflict ang AFP kung saan kabilang sa kanilang tungkulin ang pagrescue o pagpapadali ng mga sinukong kabataan na kasama sa kaguluhan at dapat na i-report ang mga narescue sa loob ng bente-kwatro oras sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office o sa local chief executive.
Sa records ng DSWD, siyam na raan dalawampu't limang child combatants na ang nai-turnover ng AFP sa kanila mula 2000 hanggang 2006. (BDEnestois/PIA12) [top]