Tagalog News: Malakanyang nagpalabas ng on-schedule transition ng mga boto sa Hunyo a-trenta
Manila (25 May) -- Umaasa ang Malakanyang na agarang matatapos ng congressional inquiry ang alegasyon hinggil sa mga iregularidad sa kauna-unahang automated elections sa bansa para matiyak ang on-schedule transition sa bagong administrasyon.
Nakatakda ang transition sa Hunyo a-trenta kung kailan magsisimula ang bagong administrasyon sa anim na taong pamumuno sa bansa.
Lumabas ang apela ng Malakanyang sa banta ng pagkaantala ng canvassing bunsod ng mga alegasyong may naganap na dayaan sa halalan at sinundan pa ng paglabas ng isang whistleblower na tinaguring "koala bear" at paglantad umanoy iregularidad kaugnay sa makasaysayang eleksiyon dalawang linggo ang nakaraan.
Ang paglantad ni "Koala Bear" ay gumawa at nagpalabas ng mga espekulasyon na sangkot ang ilang political personalities sa alegasyong poll-related irregularities na maari umanong makakaantala sa pagproklama sa bagong duly-elected president at vice-president. (BDEnestois/PIA12) [top]