Tagalog News: Pagtanggap ni Binay ng posisyon sa Gabinete ikinatuwa ng Malakanyang
Manila (19 July) -- Ikinatuwa ng Malakanyang ang desisyon ni Vice President Jejomar Binay na tanggapin ang alok ni Pangulong Benigno Aquino III na pamunuan nito ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, layon ng Pangulo na magkaisa ang administrasyon. Inaasahan din ng Pangulo ang positibong kontribusyon ni Binay sa mga pagsisikap ng administrasyon.
Una nang tinanggihan ni Binay ang alok ng Pangulo na maging pinuno ng HUDCC, pati na ang maging pinuno ng MMDA.
Kamakailan lang, hiniling ng Gawad Kalinga kay Binay na tanggapin na ang posisyon na dating hinawakan ni dating Bise Presidente Noli de Castro.
Samantala, ayon kay Binay, ikinagalak niya ang pagkakataon na magpapatupad ng mga adhikain ni Pangulong Aquino hinggil sa pabahay at ang makapagtrabaho kasama ang mga volunteer groups katulad ng Gawad Kalinga. (DEDoguiles/PIA 12) [top]