Tagalog News: TeleTech dodoblehin ang bilang ng kanilang manggagawang Pilipino
Manila (15 October) -- Dahil sa suportang ipinakita ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO), naganyak si TeleTech Vice President at General Manager Maulik Parekh at nangakong dodoblehin ang bilang ng mga mangagawang Pilipino sa kanilang kompanya sa taong 2009.
Ayon kay Parekh, nasiyahan si TeleTech’s Chairman at CEO Kenneth Tuchman sa hangarin ni Pangulong Arroyo para sa BPO industry at sa Filipinos’ work ethics kung kaya’t napagdesisyunan nilang palawakin ang TeleTech business sa Pilipinas.
Nagsasagawa na umano ang TeleTech ng massive expansion program kung saan magpapatayo ito ng mga panibagong contact centers at ang pagpapalawak ng operasyon nito na magbubukas ng panibagong trabaho sa mga manggagawang Pilipino.
Nagpasalamat naman si Parekh sa patuloy na suporta ng Pangulo sa kanilang kompanya sapagkat hindi umano maaabot ng TeleTech ang tagumpay kung wala ang suporta ng Pangulo at ng lahat ng sangay ng pamahalaan. (Lgtomas/PIA 12) [top]