Tagalog News: Nangungunang MSMEs sa Cebu nakatanggap ng P585, 000 mula Kay PGMA
by Andrew Hornales
Manila (15 October) -- Mahigit limang daang libong piso (P500, 000) ang ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa nangungunang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) propagator sa Cebu. Ito’y upang mabigyan ang mga residente ng alternatibong sources of employment sa pamamagitan ng mga livelihood at training programs ng pamahalaan.
Sa tulong ng Outreach Program on Trainings, Integrated Organizing and Networking for Solidarity, Inc. (OPTIONS) bilang nangungunang MSMEs propagator, ayon sa Pangulo, tinatayang isang daan (100) mga disadvantaged at mga batang may kapansanan ang mabibigyan ng educational assistance.
Sa pamamagitan ng micro-credit financing, mabibiyayaan din ng livelihood assistance sa halagang P3,000 bawat isa ang isang daang (100) mga magulang.
Dagdag ni OPTIONS executive trustee Ma. Theresa Vargas kasali rin sa programa ang job placement requirements kabilang ang documentary requirements at placement fees ng limampung (50) target beneficiaries.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita rin na patuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na mapalago ang MSME sektor sa bansa. (PIA 12) [top]