Tagalog News: Malunggay bilang pangunaning sangkap ng noodles
Manila (7 November) -- Ayon kay Biotechnology Program Office Director Alice Ilaga ng Kagawaran ng Agrikultura, isang noodle company ang nagbabalak na gawing pangunahing sangkap ang malunggay sa paggawa ng noddles bilang suporta nito sa programa ng pamahalaang malabanan ang malnutrisyon sa bansa.
Dahil sa taglay nitong nutritional value sa ating kalusugan, isinusulong din ang paggamit ng malunggay bilang sangkap sa paggawa ng mga sauce, juice, gatas at tinapay.
Ang paggamit ng malunggay bilang karagdagang sangkap sa pagkain ay isa lamang sa mga marketing potentials nito na isinusulong hindi lamang ng Kagawaran ng Agrikultura kundi pati narin ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga pribadong sektor upang mapaunlad ang kanilang produkto.
Sa kasalukuyan, ang pamahalan ay patuloy parin sa pagsulong ng produktong malunggay sa lokal na pamilihan at inaasahang maging global competitor sa tulong ng Biotechnology Program ng Department of Agriculture (DA). (Lgtomas/PIA 12) [top]