Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/07/01

Tagalog News: Roundup: Responsibilidad ng pamahalaan sa mga sakuna nakapaloob sa RDPRP

by

Manila (1 July) -- Sa ilalim ng Regional Disaster Preparedness and Response Plan (RDPRP) na isinusumite ng mga Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nakapaloob dito ang alintuntunin at responsibilidad na dapat isagawa ng mga concerned government agencies bago, sa panahon at pagkatapos ng pananalasa ng masamang panahon o kalamidad.

Nakapaloob din dito ang pagpapabago at pagsasaayos ng contingency plan ng bawat rehiyon, installation ng disaster warning system, pagpapaunlad ng kakayahan ng mga local government units sa pagbibigay tugon ng mga pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng sakuna at pagsasagawa ng iba't-ibang programa upang mapabilis ang implementasyon ng mga ito.

Binigyang diin naman ng Pangulong Arroyo na ang RDPRP ay kinakailangang maisama ang pagsagawa ng "debriefing" program para sa mga apektadong pamilya upang ang traumang maaaring maidulot sa mga ito ay mas magaang dalhin at makatulong sa kanilang ipagpatuloy ang kanilang pamumuhay matapos ang trahedya. (Lgtomas/PIA 12)


Karagdagang Doppler radar stations ipapatayo

Upang maisagawa ang paghahanda ng bansa sa mga sakunang darating pa sa hinaharap bunsod ng masungit na panahon, inanunsiyo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagkakaroon ng karagdagang Doppler radar stations na ipapatayo sa lalawigan ng Surigao del Sur, South Cotabato, Mactan sa Cebu, Tagaytay, Zambales, Cagayan, Catanduanes at Eastern Samar.

Ang high-end weather forecasting instruments na ito ay inaasahang magpapaunlad sa tamang weather assessments ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa kasalukuyan, ang PAGASA ay mayroon lamang dalawang Doppler radar stations sa Baler, Aurora at Baguio City na nakatakda ding ayusin at baguhin ang mga pasilidad nito upang mas maging mabisa ang pagkuha sa kondisyon ng panahon sa bansa. (Lgtomas/PIA 12)


Matatag na samahan ng Pilipinas at Espanya

Patunay ng matatag na samahan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Espanya, inihayag ng Pangulong Arroyo na ang Hari ng Espanya ang nagsilbing tulay ng Pilipinas sa matagumpay na pakikipag-ugnayan nito sa Emir ng bansang Kuwait upang maisalba ang buhay ni Marilou Ranario, isang Pinay OFW na naakusahang pumatay sa kanyang among Kuwaiti noong nakalipas na January 10, 2005.

Ayon sa Pangulo, ang pagtulong ng pamahalaan ng Espanya sa bansa ay magandang indikasyon ng mas matibay at matatag na samahan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya. Personal na nag-alok ng tulong ang King of Spain, isa sa malalapit na kaibigan ng Emir ng Kuwait upang mapababa sa panghabang buhay na pagkakulong ang parusa kay Marilou Ranario sa halip na pagpataw ng parusang kamatayan.

Dagdag pa ng Pangulo, sa nakalipas na limang siglo magpaghanggang ngayon ay patuloy pa ring binibigyang halaga ang pagpapatibay sa espesyal na pagkakaibigan ng Pilipinas sa Espanya lalong-lalo na ang pagtutulungan sa kultura at ekonomiya ang lakas na sumusulong ng magandang samahan sa pagitan ng dalawang bansa. (Abbenal/PIA 12)


National Disaster Consciousness Month ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo

Inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) acting regional director Liza Mazo na ipinagdiriwang ngayong buwan ng Hulyo sa buong bansa ang taunang selebrasyon ng National Disaster Consciousness Month na may temang "Pag alerto, Malayo sa Peligro."

Hinikayat naman ni Regional Director ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang Chairman ng RDCC Region XI PCSUPT. Andres Caro II ang lahat ng mga member agencies ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) na makibahagi sa iba't-ibang aktibidad na inihanda para sa month-long celebration ng disaster consciousness month.

Nagpadala na rin ang RDCC ng "Safe Ka Ba Campaign Materials" na ipamamahagi sa mga Regional areas sa bansa na ipapaskil sa harap ng kanilang tanggapan. Maging ang lahat ng mga ahenysa ng pamahalaan ay hinihiling din na maglagay ng mga banners at tarpaulins bilang pakiki-isa sa selebrasyon ng disaster consciousness month ngayong buwan ng Hulyo. (Abbena/PIA 12)


Pamumuhunan at bagong trabaho mula sa American business leaders - PGMA

Pamumuhunan at bagong trabaho at pagpapahayag ng interes ng mga American business leaders na mamuhunan sa bansa ang ilan lamang sa "pasalubong" ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mamamayang Pilipino matapos ang kanyang sampung (10) araw na state visit sa bansang Amerika.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa ika-109th anniversary celebration ng Baler Siege at 6th Philippine Spanish Day ibinalita nito ang pagbuhos ng panibagong pamumuhunan sa bansa na maghahatid ng panibagong trabaho sa mga Pilipino kung saan maraming bagong business leaders mula sa Amerika ang nagpahayag ng kaniang pamumuhunan sa bansa.

Magandang balita din ang ipina-abot nito sa mga Filipino World War II Veterans kung saan naipasa na ng US Senate ang Philippine Veterans Equity Bill matapos ang mahigit animnapung (60) taong paghihintay ng mga beteranong Pilipino na maipasa ang nasabing batas. (Abbenal/PIA 12)


Pangulong Arroyo, magbibisita sa Southern Davao

Nakatakdang pasinayaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Digos City, Davao Del Sur ang Davao Del Sur Provincial Hospital, na mayroong out-patient department at 50-bed capacity.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-4th Foundation Anniversary ng lalawigan ng Davao del Sur, ang Pangulong Arroyo ay mag-inspeksyon din sa one-storey, hospital building na mayroong out-patient and 50-bed capacity hospital at may kabuuang floor area na 436.48 sq. meters, at isa sa mga P22M upgrading projects ng Davao Del Sur Provincial Hospital.

Ang Pangulo ay sasamahan ng humigi't kumulang 4,000 katao kabilang ang mga lokal na opisyal, religious groups, mga residente ng siyudad at iba pang mga panauhin. (apple/PIA 12)


PGMA mamamahagi ng tulong sa mga probinsiya na nasalanta ng bagyong Frank

Pangungunahan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pamamahagi ng tulong sa probinsiya ng Kalibo, Aklan. Kasama rin sa pamamahagian ng tulong ang probinsiya ng Iloilo at Capiz na hinagupit ng bagyong Frank noong nakaraang Hunyo 21 nitong taong kasalukuyan.

Nakatakda namang mamahagi ng mga food pack at medical assistance packages ang Pangulong Arroyo sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Frank. Sa kasalukuyan pinagtutuunang pansin nagyon ng pamahalaang Arroyo na maibalik ang potable water system na hanggang ngayon ay kasalukuyan pang nasa 6 inches ang putik sa naturang lalawigan.

Ayon naman kay Presidential Assistant ng Western Visayas Sec. Raul Banias nakikipag-ugnayan na ito sa mga agriculture at fishery officials upang maibalik sa dati ang mga kasiraan sa agriculture at fisheries kasama na ang fishing boats, poultry at livestock sa rehiyon 6 lalong lalo na ang Panay Island na nasira dahil sa bagyong Frank.

Dagdag pa ni Banias magsusumite ang RDCC sa Pangulong Arroyo ng consolidated report ng mga rehiyon na kinabibilangan ng anim (6) na lalawigan pati na rin ang bayan ng Iloilo at Bacolod na nasira ang ani, ari-arian, imprastraktura at mga bilang ng mga mamamayan na naapektuhan. (Kalbay/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Waray-Waray News: 10 ka-adlaw nga biyahe ni PGMA ha Estados Unidos gindepensahan
»Ilocano News: Adu a benepisyo ti nagapuanan ni PGMA iti biahe na sadiay Amerika
»Cebuano News: Hepe sa OCD mihangyo sa tagtungod sa mga namatayng pasahero's barko
»TB program for children prioritized by Bataan prov'l gov't
»Palace: PGMA US visit worthwhile, not useless junket
»Tagalog News: ACEF extended hanggang 2015
»Tagalog News: Esperon pinangunahan ang Humanitarian Caravan sa Southwestern Mindanao
»Tagalog News: Panibagong barangay bagsakan sa Rehiyon 12 binuksan
»Tagalog News: Roundup: Responsibilidad ng pamahalaan sa mga sakuna nakapaloob sa RDPRP
»Cebuano News: Roundup: PGMA nanguna sa pagpanghatag ug hinabang sa Aklan karong adlawa
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines