Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 15 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/07/03

Tagalog News: PAF anniversary ipinagdiwang

Manila (3 July) -- Ang Philippine Air Force (PAF) ay nagdiriwang ng ika-61st Foundation Anniversary. Sa bisa ng ipinalabas na Executive Order 94 ni dating Pangulong Manuel Roxas, ang PAF ay naging separate military service noong July 1, 1947 kung saan binuo bilang equal branches ng Philippine Army at Philippine Constabulary ang Philippine Naval Patrol at Philippine Air Force.

Ang PAF ay pinangangasiwaan ng Philippine Air Service, Philippine Constabulary Air Corps at Philippine Army Corps.

Mula sa paggamit ng 30-year old F-5A fighter jets noong 1990's, ang PAF sa ilalim ng modernization program ng pamahaalang Arroyo ay mayroon na ngayong bagong SF-260 trainer planes at night attack helicopters.

Ang PAF ay umaasang magkakaroon ng walong (8) primary trainer aircraft, karagdagang sampung (10) Huey UH-1H utility helicopters, walong (8) bagong combat utility helicopters, walong (8) bagong attack helicopters, dalawang (2) light lift aircraft, labin-dalawang (12) trainer helicopters at ang pag-upgrade ng dalawampung (20) MD520MG.

Ang modernization program ng pamahalaan para sa PAF ay naglalayong mapadali ang pagbibigay tugon sa insurgency problem ng bansa hanggang taong 2010. (Abbenal/PIA 12)


PGMA pinasalamatan ang AFP

Sa selebrasyon ng ika-61st Foundation Anniversary ng Philippine Air Force (PAF), pinasalamatan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang PAF dahil sa dedikasyon nitong maseguro hindi lamang ang kaligtasan ng Pangulong Arroyo at ng kanyang pamilya kundi maging ang kaligtasan ng sambayang Pilipino.

Dahil sa matibay na tiwala ng Pangulong Arroyo sa kakayahan ng PAF ipina-uubaya na umano nito sa PAF ang kanyang kaligtasan kung saan ang kanyang security team-Presidential Security Group (PSG) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Celedonio Boquiren ay nagmula sa Philippine Air Force.

Inihayag din nito na si dating PSG head Romeo Prestoza na itinalaga bilang pinuno ng Intelligence Service ng AFP ay nagmula rin sa PAF maging ang pinuno ng Presidential Guards na si Lt. Col. Ralph Mamauag. (Abbenal/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PAF anniversary ipinagdiwang
»Tagalog News: Puno, nanguna sa muling pag-organisa ng Barangay Peace and Order Committees
»Tagalog News: Shangri-la Asia Limited patuloy ang pakikipagtulungan sa bansa
»Tagalog News: Pamilya ng mga biktima ng M/V "Princes of the Stars" nakatanggap ng tulong kay PGMA
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines