Tagalog News: RORO ports kabilang sa legacy infrastructure project ng Pangulo
Manila (30 July) -- Bago magtapos ang termino ang Pangulong Arroyo sa taong 2010, hangad nito na makapagpatayo ng 51 RORO ports bilang bahagi ng kanyang legacy infrastructure projects.
Binigyang-diin din ng Pangulo na maliban sa 39 RORO ports na naipatayo ng kanyang administrasyon, sisimulan na rin umano sa susunod na dalawang taon ang konstruksyon ng panibagong labindalawang (12) Roll-On-Roll-Off (RORO) ports.
Sa nakalipas na limang taon, pinasinayaan naman ng Pangulo ang Western Nautical Highway (WNH) kung saan ang biyahe ay mula Batangas na dadaan sa Mindoro, Panay at Negros patungong Mindanao mainland na naging daan din upang mas napa-unlad pa ang competitiveness ng Pilipinas. (Abbenal/PIA 12) [top]