Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/15

Tagalog News: Libyan diplomat pangungunahan ang SNAMMM sa Marso 18

Koronadal City (15 March) -- Pangungunahan ni Dr. Ali Abdussalam Treki ng bansang Libya, president ng 64th Session ng United Nations General Assembly (UNGA), ang Special Non-Aligned Movement Ministerial Meeting (SNAMMM) sa Marso 18.

Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng interfaith cooperation sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na nasira dahil sa mga kaguluhan.

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na isang indikasyon ng pagkilala ng ugnayan sa pagitan ng interfaith cooperation and dialogue at ng kapayapaan at kaunlaran ang pagdalo ng UN General Assembly president at mga representante ng daang-daang mga bansa.

Inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Dr. Treki bilang eksperto sa conflict mediation dahil kabilang siya sa mga namagitan sa kaguluhan sa mga bansang Sudan, Chad, Ethiopia at Eritrea, Djibouti at Eritrea, Bosnia at Herzegovina at Cyprus.

Kabilang din si Treki sa namagitan sa negosasyon na humantong sa paglagda noong 1976 sa Tripoli Agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Si Treki ay dating foreign minister ng Libya at kasalukuyang Minister of African Union Affairs ng bansang North Africa. (BD Enestois/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Libyan diplomat pangungunahan ang SNAMMM sa Marso 18
»Tagalog News: Napocor ipinatigil ang mga hyrdroelectric turbines ng Agus plant
»Tagalog News: 1 milyong pinakamahirap kinilala ng pamahalaan
»Tagalog News: Comelec kinumpirmang may 700,000 double registrants
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines