Tagalog News: PGMA pinarangalan ang 11 top performing business locators
Manila (21 April) -- Pararangalan ngayon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang labing-isang (11) top performing business locators sa Clark Freeport Ecozone, sa ikalawang pagkakataon ang naturang parangal ay iginagawad ng Clark Development Corp. sa mga industrial tenants.
Gaganapin ang parangal sa Ballroom of the Stotsenberg Hotel sa Pampanga.
Kabilang sa mga pararangalan ng Pangulo ay sina: NCO Sumidenso Phils. Clark Inc and Automotive Tecnologies for Outstanding Employment Performance and Human Resource Management; Poongsan Microtech Phils. For Outstanding Ement and Health Management; COMCLARK Technologies for Outstanding Investment Performance; L&T International Phils., Nanox Phils., Yokohama Tires Phils., SMK Electronics Phils., Aderans Phils, and L&K Industries Phils for Outstanding Overall Performance; and Australia International Training Management Group for Newcomer Award.
Ang paggawad ng nasabing awards ay paraan ng CDC na makilala ang kahalagahan ng naiambag ng Clark investors sa nation-building, partikular na sa kaunlaran ng Freeport bilang isang world-class investment haven.
Kinikilala din ng nasabing paggawad ang mahalagang economic, social at development contributions at tanyag na businessat people empowerment management practices at mga tagumpay ng Clark's Freeport locators. (BDEnestois/PIA12) [top]