Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 2 December 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/04/21

Tagalog News: Bagong GRP draft para sa Mindanao peace iwas na sa "pitfalls" ng 2008 MOA-AD - Seguis

Manila (21 April) -- Kasabay ng pagsisimula ng sesyon para sa Mindanao peace process sa Kuala Lumpur kahapon, tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Rafael Seguis na ang kasalukuyang bersyon ay matamang pinag-isipan at walang probisyon na nakakabahala tulad ng kontrobersyal na 2008 Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD).

Bagamat hindi isiniwalat ni Seguis ang nilalaman ng GRP draft, iginiit nito na ang kasalukuyang bersyon ay tutugon sa isyu sa mga "concerns" at mithiin ng bawat panig. Inilarawan nito ang bagong draft na "comprehensive" at "substantial."

Sa kanyang panimulang talumpati, hinimok ni Seguis ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pakinggan ang panig ng GRP hinggil sa nasabing draft. Kanya ring binigyang-diin na nais ng pamahalaan na mapagtibay ang isang maaayos na kasunduan at hindi sumasalungat sa anumang constitutional at legal test.

Kasama ni Seguis sa GRP panel sina Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, Prof. Grace Rebollos at Indigenous Lumad leader Ronald Adamat.

Kasama sa usapan ang ang MILF na pinamumunuan ni Mohagher Iqbal, at mga miyembro ng International Contact Group (ICG) pati na rin ang Malaysian Chief Facilitator Datuk Othman bin Abd Razak. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PGMA pinarangalan ang 11 top performing business locators
»Tagalog News: Bagong GRP draft para sa Mindanao peace iwas na sa "pitfalls" ng 2008 MOA-AD - Seguis
»Earth Day prescription: Segregate waste
»Aklan to honor 2010 outstanding Aklanons
»Sorsogon media meets "gentle giants" in Donsol
»NORSU prexy to speak in int'l geothermal confab in Indonesia
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines