Tagalog News: Mga sundalo pinapurihan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Maguindanao at Cotabato City sa araw ng eleksiyon
Koronadal City (13 May) -- Pinapurihan ng 6th Infantry Division ang kanilang mga opisyal at mga tauhan sa isang "job well done", bago, sa panahon ng halalan at matapos ang automated elections sa Maguindanao at Cotabato City.
Inihayag ni 603rd Army brigade chief Col. Ernesto Aradanas na stress-free ang nasabing eleksiyon sa parte ng Army personnel dahil umano sa mabilis na electoral process.
Dahilan sa loob ng apatnapu't oras matapos ang election naiproklama na ang mga nagwaging mga kandidato sa ilang lokal na pamahalaan kung kaya't naging malaya ang mga sundalo sa matinding paghihirap na tiyakin ang seguridad ng mga election paraphernalia sa ilang araw lamang kumpara sa nakalipas na mga eleksiyon.
Dahil sa maagang pagtatapos ng security tasks ng mga sundalo, ipinakilos ni Alcantara at Aradanas ang mga tauhan nito na gumawa ng ilang trabaho.
Matapos ang botohan, mahigit isang daan limampung (150) mga sundalo ang inilagay sa mga daanan sa Maguindanao at Cotabato City para kunin at linisin ang mga campaign materials na nakakalat sa lungsod at probinsya.
Sa katunayan, ani Alcantara, mabilis at mapayapa ang halalan ngayong taon. (BDEnestois/PIA12) [top]