Tagalog News: Peace initiative ni PGMA pakikinabangan ng susunod na administrasyon - Abaya
Manila (13 May) -- Inaasahan ni Presidential Peace Adviser Secretary Annabelle Abaya na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga peace initiatives ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Abaya na magbibigay sila ng accomplishment report hinggil sa usapang pangkapayapaan sa bagong Pangulo. Magagamit umano ito ng bagong administrasyon para patuloy na isulong ang peace efforts ng Arroyo administration.
Bagamat wala pang nabuong comprehensive agreement sa pagitan ng pamahalaan at mga grupong rebelde, malapit nang makamit ang matibay na kasunduan, ayon kay Abaya.
Ilang isyu na rin ang napagkasunduan partikular sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kanilang ang paghinto ng labanan sa pamamagitan nf suspension of military operations at pag-activate ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities.
Napagkasunduan na rin ang pagtatag ng Moro Islamic Development Leadership Institute para tulungan silang mamahala at mamuno.
Nananatiling malaking balakid pa rin ang isyu ng ancestral domain. (DE Doguiles/PIA 12) [top]