Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 5 June 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/25

Tagalog News: Mekanismo sa Mindanao peace nakalatag na para sa susunod na administrasyon - Dureza

Manila (25 May) -- Hindi na mahihirapan ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao, ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) chairman Secretary Jesus Dureza.

Ito, aniya, ay dahil nailatag na ng Arroyo administration and mga mekanismo para masiguro ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Tinukoy nito ang patuloy na pagtalima sa pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ipinapatupad na ceasefire na umanoy magandang dahilan para sa pagpapatuloy ng peace negotiations.

Nailatag na rin ng MinDA ang Mindanao 2020 Plan na nabuo sa pamamagitan ng dialogues, consultations, at group discussions sa lahat ng sektor sa Mindanao.

Kaugnay dito, iniulat ni Dureza na inatasan din ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Social Welfare anfd Development (DSWD) na patuloy na bigyan ng tulong ang walumpung libong internally displaced persons (IDPs) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na patuloy namang tinutulungan ng ilang humanitarian institutions, pati na ng MILF.

Inaasahan nito na gagamitin ng bagong administrasyon ang mga nagawa ng Arroyo administration para itaguyod ang pagpapatuloy ng mga pagsisikap na makamit ang kapayapaan dito. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PCG nagsagawa ng mga hakbang laban sa mga pirata
»Tagalog News: Mekanismo sa Mindanao peace nakalatag na para sa susunod na administrasyon - Dureza
»Tagalog News: PGMA nagpasalamat sa mga taga-Nueva Viscaya
»Tagalog News: Enrile: Hindi kailangan ang "koala bear" sa national canvassing
»Two-weather systems bring rains this week
»QC solon faces charges for CF card possession
»Cebuano News: 2 ka lihok sa panahon magpa-uwan-uwan
»Cebuano News: Kongresista nameligrong kasuhan sa gihuptang CF card
»Inabanga sets up local monitoring board on HR
»Socoteco I appeals for support, understanding from consumers
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines