Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 4 July 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/25

Tagalog News: Enrile: Hindi kailangan ang "koala bear" sa national canvassing

Manila (25 May) -- Sinabi ni Senator Juan Ponce Enrile na walang puwang ang mga "koala bears" sa isinasagawang national canvassing ng mga boto para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Ani Enrile, ang lahat na reklamo sa pandaraya sa halalan ay dapat sa Presidential Electoral Tribunal isumite.

Giit pa niya, tanging reklamo sa resulta ng halalan lang ang kanilang bibigyang pansin para mapapabilis ang kanilang canvassing ng mga certificates of canvass.

Gayunman, maaring gugugol and national board of canvassers ng dalawang araw para pakinggan ang mga paliwanag ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), Smartmatic-TIM at iba ang personalidad hinggil sa mga ulat ng pagpalya ng precinct optical scan machine.

Ang nine-man panel ng Senado ay kinabibilangan nina Enrile, Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., senators Joker Arroyo, Rodolfo Biazon, Alan Peter Cayetano, Gregorio Honasan, Edgardo Angara at Bong Revilla.

Alternate members naman sina Francis'Kiko' Pangilinan, Lito Lapid, Pia Cayetano, at Jinggoy Estrada.

Samantalang ang nine-man panel mula sa Mababang Kapulungan ay kinabibilangan naman nina House Speaker Prospero Nograles bilang chairman, majority leader Arthur Defensor, minority leader Ronaldo Zamora, senior deputy majority leader Neptali Gonzales II, senior deputy minority leader Roilo Golez, Representatives Crispin Remulla, Didagen Dilangalen, Matias Defensor, at Michael John Duavit. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PCG nagsagawa ng mga hakbang laban sa mga pirata
»Tagalog News: Mekanismo sa Mindanao peace nakalatag na para sa susunod na administrasyon - Dureza
»Tagalog News: PGMA nagpasalamat sa mga taga-Nueva Viscaya
»Tagalog News: Enrile: Hindi kailangan ang "koala bear" sa national canvassing
»Two-weather systems bring rains this week
»QC solon faces charges for CF card possession
»Cebuano News: 2 ka lihok sa panahon magpa-uwan-uwan
»Cebuano News: Kongresista nameligrong kasuhan sa gihuptang CF card
»Inabanga sets up local monitoring board on HR
»Socoteco I appeals for support, understanding from consumers
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines