Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 4 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/11/07

President Gloria Macapagal-Arroyo's Speech during the National Nutrition Council Awarding Ceremony

Manila Hotel, November 7, 2007

Good morning, everyone. Sabi ko kay Secretary Francisco Duque imbes na magkaroon tayo ng programa at mga diskurso gumawa na tayo talaga ng meeting ng National Nutrition Council tungkol sa ating Hunger Mitigation Program.

Pero una sa lahat, binabati natin ang mga tumanggap ng Gantimpalang Crown, (applause) gayon din ang mga pinarangalan nating National Outstanding Barangay Nutrition Scholars.

Marapat lamang na purihin natin sila, purihin kayo -- mga awardees ng ating taong bayan para sa masigasig at natatanging pagsisikap ninyo tungo sa lubusang pagsugpo sa gutom at kahirapan. Maraming salamat sa inyo.

Patuloy tayong nakikibaka sa hamon ng kagutuman. Noong isang taon, inatasan natin ang NEDA (National Economic and Development Authority) na bumalangkas ng plano para sa layuning ito. Nakasentro ang plano sa murang pagkain, tulong sa nagugutom, patrabaho sa kalsada at kabukiran, gulayang pampamilya, microfinance, at dagdag sahod sa ilalim ng mga regional wage board.

Nakabase ang NEDA hunger mitigation program framework sa pagkikilala na nagkakaroon ng gutom. Can we have the framework now? Una, dahil kulang ang pagkaing abot-kaya, (yan from the left no?) yung supply side. Kulang ng pagkaing abot-kaya. At pangalawa, yung sa right side yung demand side, walang pambili ng pagkain.

Sa gayon, dapat paramihin... (On the left side) ang murang pagkain-- ito ang supply side strategy-- (at sa right side naman) palaguin ang kita at hanapbuhay ng masa-- ito ang demand side.

Mabalik tayo sa kaliwa, sa supply side, bahagi ng plano ng NEDA kung makikita niyo yung mga bahagi sa ibaba, una (yung pinaka kaliwa) palakasin ang produksiyon ng pagkain, tapos yung pangalawa doon, yung sinasabing enhance efficiency of logistics—pahusayin ang sistema ng paghatid ng pagkain.

Doon naman sa right side sa demand side, kailangan kung makikita niyo yung nasa gitna put more money in people's pockets number one, dagdagan ang kita ng tao, pangalawa, doon sa gitnang portion, ituro ang wastong pagkain or promote good nutrition at pangatlo ay palaganapin ang natural na pagplano ng pamilya, kasama ang ilang taong agwat sa pag-aanak or birth spacing.

Itong araw na ito imbes na nagkakaroon ng maraming disku-diskursyong motherhood ibig nating itanghal ngayon ang mga programa upang palakasin ang yung left side... Produksiyon ng pagkain at pahusayin ang transportasyon ng makakain.

Yung first portion increase food production upang palakasin ang produksiyon ng pagkain, makikita ninyo doon, isinusulong natin ang mga programa sa manukan, babuyan at bakahan, pagsasaka, patubig, gulayan ng masa, at pagpapalago muli ng mga palaisdaan sa dagat. Pati na rin yung mga aquaculture.

Ito ang iniatas natin sa Department of Agriculture, kaya nandito si Secretary Art Yap, ang Department of Natural Resources at National Irrigation Authority. Kaya pakinggan natin ang kanilang ulat tungkol dito sa the first part yung increase food production.

(Report of Sec. Art Yap)

Naalala niyo yung pangalawang bahagi doon ng supply yung paghatid, to enhance... Can we go back to the framework?

So yun there you are... So, I'm reading them now: And this is under the responsibility of the Department of Transportation, Philippine Ports Authority, that's letter b. Letter c is the farm to market roads under the responsibility of the DA, Public Works, pati DAR kaya narito si Secretary Nasser Pangandaman and the Armed Forces of the Philippines dun sa mga malalayong lugar na may mga rebelde.

And then letter d is efficient local transport at hinihiling natin na ito ay under the responsibility of the local government units, the Leagues of Provinces of the Philippines, the Leagues of Cities of the Philippines, the League of Municipalities of the Philippines and the League of Barangays of the Philippines together with the Department of Interior and Local Governments and the Philippine National Police. And then letter e, ayun, ayun na.. Letter e. Is the food for school program under the responsibility of the Department of Education and the DSWD.

And then, and letter f. The creation of an NGO network to support feeding programs under the responsibility of the DSWD. Then letter g. The farmers option to buy back under the responsibility of the NFA.

Gusto ko lang malaman if we have some reports coming from the second portion, halimbawa yung 'tindahan natin'. Do we have somebody who will report on the 'tindahan natin'?

Tapos nun, yung isa pang importanteng bahagi nitong programang ito, yung food-for-school program ng Deped at saka DSWD. Meron ba tayong mag-rereport tungkol sa food-for-school program ? Yun pala si Secretary Jing Lapus ay narito. Just recently, elected as a member of the board of the UNESCO International (applause) okay, Jing.

(Sec. Jing Lapus)

(audio cut) Mga ahensya tungkol sa mga programa dun sa supply side kasi napaka-importante na meron tayong dagdag na pagkain at mas magaling na paghatid para umabot sa mesa ng bawat pamilya. And these are the activities they're doing and to be able to improve ability to produce and deliver food more affordably to our households.

Last week, I talked to Secretary Nonoy Andaya and I instructed him to release one billion pesos to the agencies that shall continue to implement food production and delivery plans for the rest of this year.

Kaya inaasahan natin na sa pamamagitan ng DOH through the National Nutrition Council tuloy na susubaybayan kung saan pupunta itong one billion pesos for the rest of the year for production and distribution.

And we hope that our efforts including the efforts of our Crown Awardees and other LGU's who wish to emulate what they are doing and have been doing. And also with the support of our barangay nutrition scholars na napaka-importante ang papel sa nutrition education. We hope that this will yield dividends in terms of lasting food security.

So now, I will turn over the meeting to Secretary Pingkoy Duque who as supervising secretary for the National Nutrition Council oversees these programs, so he can have additional interaction between the participants of this meeting and those who are representing the national government agencies here.

Once again, congratulations! To our Crown winners; (applause) our barangay nutrition scholars. (Applause) kung lalong maraming magiging kagaya ninyo lalo nating masusugpo ang problema ng kagutuman.

Maraming salamat sa inyong lahat. (OPS) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Programa ni PGMA sa mga katabang miani og maayong resulta
»Mindanao bishops call for sobriety, peace
»PGMA to address Peace & Security Assembly in Eastern Visayas
»President Gloria Macapagal-Arroyo's Speech during the National Nutrition Council Awarding Ceremony
»PGMA orders release of P1-B additional outlay for hunger mitigation program
»Statement of Secretary Ignacio R. Bunye Re: Self-rated poverty
»Nutrition Council Awardees: Symbols of gov't fight vs hunger -- PGMA
»Gov't making headway in anti-poverty campaign -- PGMA
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines