Tagalog News: Newly-elected barangay officials sumailalim sa pagsasanay
Koronadal City (21 February) -- Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) XII Regional Director Buagas Sulaik na marami sa mga newly elected barangay officials sa rehiyon ang sumailalim sa pagsasanay upang mapaunlad ang kanilang kakayahan tungo sa epektibong pamamahala sa kanilang nasasakupan.
Tatlumpong porsyento na umano sa mga newly elected barangay officials ang nakatapos na ng unang parte ng pagsasanay, ang General Orientation on Barangay Governance and Administration kung saan layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga bagong opisyales ng barangay tungkol sa barangay government.
Kinakailangan umanong maintindihan ng mga ito kung papaano pamahalaan ang kani-kanilang mga barangay dahil ito ang unang takbuhan ng mga mamamayan kung magkaroon ang mga ito ng problema at kung papaano ito lulutasin.
Dagdag pa ni Sulaik, ang barangay ang nagsisilbing pangunahing tagapag-implementa ng mga batas at programa ng pamahalaan kung kaya't mas magiging epektibo ang pamamahala ng mga opisyales ng barangay kung sila ay may sapat na kaalaman. (Lgtomas/PIA 12) [top]