Tagalog News: MEDCo binisita ang peace and development communities sa Davao del Sur
Koronadal City (14 August) -- Sa layuning mapa-igting ang peace-building role sa Mindanao (dating conflict areas), binisita ng Mindanao Economic Development Council (MEDCo) sa pakiki-isa ng project management office ng GOP-UNMDP ACT for Peace Program ang mga peace and development communities (PDCs) sa Davao del Sur.
Ang peace and development communities (PDCs) ay kinabibilangan ng mga conflict-affected o conflict-vulnerable barangays na isinasailalim sa transformation upang maging convergence areas para sa peace building at development activities sa pamamagitan ng pagpapatatag sa kakayahan ng People's Organizations at local government units.
Kabilang sa mga lugar na binisita ang Barangay Manga at Savoy sa Matanao at Barangay Aplaya sa Hagonoy kung saan pinasinayaan ng ACT for Peace kasama ang MEDCo at Local Government ng Davao del Sur ang Barangay Health Station sa Barangay Manga. Ang nasabing pagpapasinaya ay pinangunahan nina Davao del Sur Provincial Health Officer Dr. Mahalindi Colminares at MEDCo Chief Economic Development Specialist ng Office for Project Coordination and Management (OPCM) Ms. Charlita Escaņo. (Abbenal/PIA 12) [top]