Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 16 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/11/18

Tagalog News: Maunlad na ekonomiya at kapayapaan inaasahang makakamit ng ARMM

Koronadal City (18 November) -- Umaasa ang mga mamamayan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa mas mabisang hakbang na isasagawa ng lokal na pamahalaan sa susunod na tatlong taon para sa pag-unlad ng ekonomiya at pag-abot sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon sa ilalim ng pamumuno ni ARMM Governor Datu Zaldy Uy Ampatuan.

Sa isinagawang State of Regional Address (SORA) ni Ampatuan kamakailan, binigyang diin nito ang walong (8) mahahalagang programa ng kanyang administrasyon at nangakong ipagpapatuloy ang implementasyon ng mga ito hanggang matapos ang kanyang termino.

Kabilang sa mga proyektong binanggit ng gobernador ay ang pagsasaayos ng mga apektadong lugar sanhi ng kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at ng ilang rebeldeng grupo.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan ng ARMM sa United Nations, Organization of Islamic Conference at world religious leaders upang maibalik ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) alang-alang sa kapakanan ng mga mamamayan. (Lgtomas/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Maunlad na ekonomiya at kapayapaan inaasahang makakamit ng ARMM
»Tagalog News: Palay procurement activity pinagtutuunang pansin ng NFA XII
»Tagalog News: PGMA muling nanawagan ng pagkakaisa ng taong-bayan
»Tagalog News: P2.19-M cash ipagkakaloob ni PGMA sa mga natatanging farmers, fishers at agri-groups
»Tagalog News: Sektor ng turismo may malaking nai-ambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines