Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 1 November 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/02/15

Tagalog News: Food assistance hinahanda na ng DA

Manila (15 February) -- Hinahanda na ngayon ng Department of Agriculture ang emergency food assistance para sa isang milyong pamilyang maaring maaapektuhan ng El Niņo phenomenon na tinatayang tatagal hanggang Hulyo.

Sinabi ni DA Secretary Arthur Yap nakipag-usap na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Nutrition Council (NNC) hinggil sa pamamahagi ng food aid assistance.

Pinaplano na rin ng mga ahensya ng pamahalaan ang maaring ibibigay na livelihood projects at farm inputs subsidy para sa mga magsasakang di na makapagtanim dahil sa tagtuyot.

Kasama sa farm input subsidy ang tulong na fertilizer at binhi na maaring gamitin ng mga magsasaka pagkatapos ng dry spell.

Patuloy pa rin ang pamimigay ng DA ng open source pumps.

Samantala, binigyang-diin din ni Yap na hindi maaring gawing full blast ng Department of Agriculture ang cloud seeding dahil sa kawalan ng mga ulap.

Masasayang lang umano ang pundo ng departamento sa gagastusin kung ipipilit ang cloud seeding kung wala rin namang ulap.

Hiningi na rin ng DA ang tulong ng mga local government units para sa madaliang pagpapalaganap ng mga tulong at matiyak na makararating sa kinauukulan ang mga assistance.

Inatasan din ng DA ang regional offices nito na paigtingin ang monitoring ng sitwasyon ng kani-kanilang lugar para madaliang maisagawa ang kailangang mitigating measures. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Food assistance hinahanda na ng DA
»Tagalog News: BSP ginawang liberal ang coop banks sa bansa
»Tagalog News: Pangangampanya sa loob ng mga kampo, ipinagbabawal ng PNP
»Tagalog News: Mahigit 800 gun ban violators ang nadakip mula Enero 2010
»Cebuano News: Presidente Arroyo nagtudlo kang Arellano ingon nga bag-o nga Chief State Prosecutor
»Cebuano News: Administrasyon ni PGMA maghatag og detalye sa iyang mga galastohan sa publiko
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines