Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 January 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/03/25

Tagalog News: Pang-aabuso sa kababaihan dapat na matuldukan

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (March 25) -- Kaugnay ng isinasagawang pagdiriwang ng Women's Month ngayong buwan ng Marso, nanawagan si Sorsogon City Gender and Development Chief Rose Abay sa lahat ng mga kababaihan na huwag matakot magsuplong sa mga kinauukulan sakaling maharap sila sa sitwasyon ng anumang uri ng pang-aabuso.

Aniya, nakahanda ang kanilang tanggapan na tumulong anumang oras na may dumulog sa kanila nang sa gayon ay matuldukan ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan.

Sinabi ni Abay na sa kanilang tala, noong nakaraang taon, umabot sa isanglibo ang bilang ng naitalang biktima ng pang-aabuso sa mga kababaihan, at sa pagpasok naman ng 2010 ay nakapagtala na sila ng tatlong kaso ng incest, dalawang kaso ng rape at patuloy pa ring nakakatanggap ng iba pang uri ng kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan sa Sorsogon City.

Ayon kay Abay, ang pagdami ng bilang ng mga lumalapit sa kanilang tanggapan ay bunga na rin ng malawakang information and education campaign na ginagawa nila sa mga Barangay kung saan binibigyang-diin nila ang kahalagahan ng respeto sa dignidad ng bawat kasapi ng pamilya partikular ang mga kababaihan at ang pantay na distribusyon ng mga gawain sa pagitan ng mag-asawa pagdating sa pag-aalaga ng mga anak, paghahanap-buhay at paggawa sa loob ng tahanan.

Hiniling din ni Abay sa mga kalalakihan na suportahan nito ang kanilang panawagan upang maisulong, madinig at maipaabot sa kanilang tanggapan ang mga hinaing na may kaugnayan sa mga pang-aabuso sa loob ng tahanan nang sa gayon ay matugunan ito at mabawasan ang mga paglabag sa mga karapatan ng bawat kasapi ng pamilya.

Nilinaw din ni Abay na pantay ang pagbibigay nila ng atensyon sa kalalakihan at kababaihan sa pagsusulong nila ng gender advocacy and development program. (PIA Sorsogon) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Hiligaynon News: Mga ekonomista nagalantaw kang pagmayad kang ekonomiya kang pungsod kadya nga 2010
»531 families in Danao get 4Ps "cash grants"
»DOTC fields "Oplan Semana Santa"
»Tagalog News: Pang-aabuso sa kababaihan dapat na matuldukan
»Grandmas urged to revive bedtime story telling during Earth Hour
»PCG Sorsogon gears up for Holy Week celebration
»Aklan's firetrucks to sound sirens for Earth Hour 2010
»Tagalog News: Tax motorcade isinagawa ng BIR Sorsogon
»BFP Sorsogon City to embark on 'TXTFIRE' Philippines
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines