Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 27 November 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/05/27

Tagalog News: DepEd hindi ipagbabawal ang "jejemon"

Manila (27 May) -- Walang balak ang Department of Education (DepEd) na ipagbawal sa mga paaralan ang "jejemon" ang nakahiligan ngayong istilo sa pagsusulat ng text messages na gumagamit ng maling English at spelling.

Gayunman, hinimok ni Education Secretary Mona Valisno ang mga guro na ituro sa mga mag-aaral ang tamang communication skills na lubhang mahalaga sa kanilang pag-aaral sa high school at kolehiyo.

Bagamat layunin ng DepEd na mapanatili ng ahensiya ang pangunguna ng bansa sa Business Process Outsourcing dahil sa pangingibabaw ng mga Pilipino sa English communication skills, hindi ito dahilan para ipagbawal ang jejemon sa mga paaralan at parusahan ang mga mag-aaral, ayon kay Secretary Valisno.

Ang mahalaga umano ay patuloy na maturuan ng mga guro ng tamang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan ang mga mag-aaral.

Nanawagan din si Valisno sa mga mag-aaral at kabataan na mag-text gamit ang tamang sentence construction, tamang English, grammar at spelling dahil importanteng matutunan nila ito para di mahihirapan sa high school at college. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Bagong RoRo port sa Masbate pasisinayaan ni PGMA
»Tagalog News: Strong Republic tampok sa 112th Independence Day celebration
»Tagalog News: DepEd hindi ipagbabawal ang "jejemon"
»Tagalog News: NAPOLCOM 12 nagpaalala sa mga kukuha ng PNP exams na sundin ang mga alituntunin
»Tagalog News: Susunod na administrasyon makikinabang sa matatag na pamahalaan - Malakanyang
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines