Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 31 March 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/04

Tagalog News: NFA Bicol nalagpasan ang target sa palay procurement sa nakaraang harvest season

by MA Loterte

Legazpi City (4 June) -- Nalagpasan pa rin ng National Food Authority o NFA sa Bicol ang target nito sa palay procurement sa unang apat na buwan ngayong taon kahit pa nanalasa ang tagtuyot na dala ng El Niņo Sa Kabikolan.

Ayon kay Edgar Bentulan, NFA Bicol regional director, nakabili ang ahensiya ng 610,861 sako ng palay mula sa mga magsasaka at kooperatiba, 141.45 porsiyentong mas mataas sa target na 425,500.

Dagdag pa ni Bentulan, mas malaki rin ang nasabing datus kumpara sa 256,814 sako ng palay na nabili noong isang taon.

Ang pakikipag-ugnayan ng NFA sa Bicol sa mga magsasaka noong panahon ng anihan ay malaking tulong sa procurement program, ganoon din nagbigay ng mas malaking kita sa magsasaka dahil naipagbili nila ito ng mas mataas sa halagang P17 kada kilo.

Binigyan din sila ng karagdagang insentibo katulad ng cooperative development incentive fund (CDIF) para sa mga kooperatiba ng magsasaka sa halagang P0.30 kada kilong kanilang ibinenta sa NFA, P0.20 kada kilo naman sa delivery incentive at P0.20 rin kada kilo sa drying incentive.

Ang average ex-farm price para sa buwan ng Abril ay P15.36, kaya naman mas maraming magsasaka ang nagbenta ng kanilang ani sa NFA sa mas mataas na halaga.

Sa ganitong sistema, nakinabang ang mga magsasaka dahil lumaki ng aabot sa P70,417,737 ang halaga ng 610,861 sako na naibenta nila sa NFA, dagdag pa ang insentibong P0.70 kada kilo.

Maaalalang ang pinakamadaming nabiling palay ng NFA sa Bicol mula sa sa mga magsasaka sa parehas na panahon ay noong 2002 na umabot sa 511,841. (PIA V) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Dimaporo to focus on agriculture in second term
»Special elections in Lanao Sur towns peaceful - PNP
»Tagalog News: Turismo sa Bicol nakapagtala ng P364.5-M kita
»Tagalog News: NFA Bicol nalagpasan ang target sa palay procurement sa nakaraang harvest season
»CoPIPAGV turns over 4 computer sets to Surigao del Sur
»DepEd implements WHO child growth standards
»109 farmer-beneficiaries get land titles in Kitcharao and Jabonga town
»CRSAFP needs researcher, writer, broadcaster, graphic artist and IT specialist
»Caraga Region celebrates Farmers and Fisherfolks Month
»Sex education not about sex, says DepEd
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines