Tagalog News: Bagong KRG responsable sa pagdukot sa Italyanong pari
Koronadal, South Cotabato (14 June) -- Natukoy na diumano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang grupong dumukot kamakailan kay Fr. Gian Carlo Bossi sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay.
Ayon kay MILF spokesperson Eid Kabalu na bagong kidnap-for-ransom group (KRG) sa nasabing bayan ang responsable sa pagdukot sa paring Italyano sabay pagbulaan na sangkot ang MILF sa nasabing insidente.
Tumanggi si Kabalu na ibunyag ang pangalan ng mga nasabing kidnappers habang patuloy ang kanilang isinasagawang verification at tiniyak ang coordination sa military kaugnay ng rescue operations.
Tiniyak ni Kabalu na malabong magkaroon ng "misencounter" sa pagitan ng mga tropa ng pamhalaan at MILF sa ginawang rescue operations dahilan sa mahigpit nilang pagtalima at pagsunod sa mga alituntunin na napaloob sa AdHoc Joint Action Group o ADJAG.
Ayon kay Kabalu, mapipilitan diumano ang MILF na gumamit ng dahas kung hindi madadala sa negosasyon at pakiusap ang mga abductors na palayain ni Fr. Bossi. (pbc/PIA 12) [top]