Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 1 July 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2022 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/28

Tagalog News: Environment month celebration, idinaos sa PNOC base camp

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (29 June) -- Masaya at naging matagumpay ang isinagawang culminating activity ng selebrasyon ng Environment Month dito sa probinsya ng Sorsogon kahapon, June 25.

Ang nasabing pagdiriwang na isinagawa sa Philippine National Oil Company Base Camp ay dinaluhan ng mga kinatawan at empleyado ng Department of Natural Resources, National Power Corporation, Rotary Club of Legazpi City, Bacon-Manito Geothermal Multi-Sectoral Monitoring Team, Multi-Sectoral Forest Protection Council, Local Chief Executives at ng mismong mga empleyado at opisyal ng PNOC-EDC Bacman Geothermal Production Field.

Naging tampok na aktibidad ang tree planting kung saan mahigit isanglibong mga puno ang itinanim sa RGC Junction, isa sa mga reforestation site ng PNOC.

Sinundan ito ng Ecology Tour ng mga kawani ng DENR Sorsogon at iba pang mga bisita sa mga lugar na ipinagmamalaki ng PNOC at dinarayo ng mga lokal at banyagang turista tulad ng kanilang view deck, mudpool, ang pamosong Twin Falls, na isa sa mga dinarayong paliguan dito sa Sorsogon at ang kanilang bat sanctuary kung saan matatagpuan ang itinuturing na pinakamalaking paniki sa buong mundo.

Sa hapon, isinagawa naman ang isang programa kung saan tinalakay ni PNOC Engr. Leo Mago ang Environmental Status ng BacMan habang si Zoologist Gary L. Grageda ng UP Los Baños ang siyang nagprisenta ng mga mahahalagang detalye ukol sa pagkakaroon ng PNOC ng sanktwaryo ng tinaguring ‘Worlds’s Largest Bat’.

Naroroon din at nagbigay pahayag sina DENR Region V OIC-RED Reynulfo Juan, EMB Regional Director Gilbert Gonzales at iba pang matataas na opisyal tulad ni Sorsogon City Mayor at incoming Sorsogon Governor Sally Lee, Bicol University President Dr. Faye Lea Patria M. Lauraya, Rotary Club of Legazpi City President Mr. Manuel Beltran at ang Provincial Environment and Natural Resources Officers ng lalawigan ng Albay at Sorsogon.

Kasabay din sa aktibidad ay ang MOA Signing ng itatayong Bicol University Forest Park sa PNOC site.

Ayon kay Bacon Geothermal Power Plant Resident Manager Buddy Virata, naaangkop ang paglalagay ng isang Forest Park sa PNOC sapagkat mahihikayat nito ang mga Sorsoganon at ang iba pang mga bibisita dito na maging responsable at maging aktibo sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan saanman dito sa Pilipinas.

Sinabi rin ng opisyal na bubuksan din ang BU Forest Park sa mga mag-aaral upang mas malubos ang kanilang kaalaman ukol dito.

Tiniyak din niyang magagarantiyahan nila ang pagmamantini ng naturang parke lalo na’t kasama sa programa nila ang ganitong mga uring proyekto.

Samantala, hinikayat naman ni Sorsogon PENR Officer Oscar Dominquez ang mga Sorsoganon na aktibong lumahok sa mga aktibidad ng pamahalaan tulad ng Green Philippines Project. Aniya, magiging napakalaking tulong kung magkakaisa ang lahat sa pagtatanim ng mga punong-kahoy na siyang pangunahing pananggalang sa panahon ng mga kalamidad tulad ng pagbaha. (PIA Sorsogon) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Environment month celebration, idinaos sa PNOC base camp
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines