Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 25 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/10/10

Tagalog News: Tree-planting project inilunsad sa South Cotabato

Koronadal City (10 October) -- Isang tree planting ang inilunsad sa pakikipagtulungan ng National Irrigation Administration, South Cotabato Provincial Office, South Cotabato Irrigators Association Federation (SCIAF) at ng Sagittarius Mines, Inc. kamakailan sa barangay Liberty, Tampakan, South Cotabato na may temang "Trees for Irrigation: Protecting the Water Source".

Ang pagtatanim ng mga punongkahoy sa LMT Communal Irrigation System Damsite ay pinangungunahan ni NIA Region 12 Acting Regional Manager Modesto Anderson M. Tolentino, Jr., mga kawani ng South Cotabato Provincial Irrigation Office sa pangunguna ni Provincial Irrigation Officer Lorene V. Golez, mga opisyales ng South Cotabato Irrigators Association Federation sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Ginoong Gerardo Barrientos, Sr. at mga opisyales ng brangay Liberty.

Ayon kay Acting Regional Manager Tolentino, ang proyektong ito ay napakahalaga upang mapangalagaan ang mga natitirang mga puno sa "watershed areas" na pinagkukunan ng tubig pang-irigasyon at mapalitan ng panibagong puno ang mga kalbong bundok.

Nagkaisa namang sinabi nina SCIAF President Barrientos at TISDA CIS President Ireneo Felisilda na ang proyektong ito ay matagal nilang pinaghandaan upang magkaroon ng kaganapan at ngayong nailunsad na ito ay sisikapin nilang magtuloy-tuloy na ito sa iba pang mga communal irrigation systems na sakop ng kanilang federation.

Pinasalamatan din nila ang Sagittarius Mines, Inc. na nakiisa sa proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga punong pananim gaya ng narra, kamagong, mangga, avocado, langka at marang.

Sinabi naman ni Ginoong Butch Sebua, Environment Department Head ng Sagittarius Mines, Inc. na sila ay nagagalak at buong pusong tutulong sa mga magsasaka dahil alam nilang ang nakataya ay kabuhayan nila kung wala ng tubig na dadaloy sa mga water sources. (EAB NIA-12/MSOC-PIA-12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Dengue claims 3 in Aklan; cases decreasing
»Zambo school inaugurates P8-M school building
»Commentary: CyberEd project must not be hindered by political hullabaloos
»Tagalog News: Pilipinas nakahanda na sa implementasyon ng JPEPA
»Tagalog News: PNP-ACER nagsagawa ng security seminars
»Tagalog News: Gobyerno naghahanda sa 2nd BIMP-EAGA Forum
»Tagalog News: Puhunan sa imprastraktura at edukasyon patuloy - PGMA
»Tagalog News: Tree-planting project inilunsad sa South Cotabato
»DTI-ARMM, LGSPA renew partnership
»Hariraya Puasa celebrations set
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines