Tagalog News: PNP-ARMM handa na para sa August 11 ARMM elections
Koronadal City (10 July) -- Inaasahang mahigit 6,000 operatives ng Philippine National Police (PNP) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang ikakalat sa mga strategic spots sa mga lalawigan ng rehiyon upang masegurong mapayapa at tahimik ang nakatakdang August 11, 2008 regional elections.
Ayon kay PNP-ARMM spokesman at operations director Supt. Danilo Bacas ang ganitong estratehiya ay paghahanda lamang na inaasahang magseseguro ng kaligtasan ng mga ARMM voters kahit pa man kumbinsido ang pamunuan ng PNP-ARMM sa pagkakaroon ng honest, orderly peaceful elections.
Simula ng ipatupad ang regionwide election ban, ini-ulat ni Bacas na kasama sa accomplishment ng PNP-ARMM ang pagkahuli ng 17 assorted firearms at pag-file ng corresponding charges sa mga nahuling violators.
Ang ARMM na binubuo ng mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Shariff Kabunsuan, Tawi-tawi, Basilan at Sulu at ang lungsod ng Marawi at Lamitan ay mayroong mahigit isang milyong registered voters ayon sa Commission on Elections (COMELEC), na pipili sa mga pitong (7) kandidato sa pagka-gobernador ng autonomous region, kabilang na si administration LAKAS-CMD bet Zaldy Ampatuan na nauna ng ipinroklama ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Davao City. (ac agad PIA 12) [top]