Tagalog News: PGMA pangungunahan ang inauguration at renaming ceremonies sa Cebu City
Cebu City (23 July) -- Sa nakatakdang pagbisita ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Cebu City, pangungunahan nito ang inauguration at renaming ceremonies ng Cebu City Executive Building's (CCEB) new session hall.
Tinatayang P120 million, ay nagamit ng pamahalaan sa pagsasaayos ng dating three-storey edifice at ang pagpapatayo ng bagong Doņa Macaraeg-Macapagal session hall kung P15 million ang pondo galing sa Philippine Tourism Authority (PTA).
Ang CCEB ang dating City Hall, ay kasalukuyang kinahihimpilan ng city administration office, clinic, child-minding center, cafeteria, social hall, caucus room at conference room at ang City Council Session Hall din ito. (KAlbay/PIA 12) [top]