Tagalog News: Tugon ng Kongreso sa pagtaas ng presyo ng langis
Manila (23 July) -- Inihayag ni Press Secretary Jesus Dureza na pinagtutuunang pansin ngayong ng Kongreso ang pagbuo ng mga hakbang upang maproteksyunan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino dala ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Hinikayat din ni Dureza ang lahat ng mga oil companies na ipaliwanag sa publiko ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa wikang madaling maintindihan ng ordinaryong mamamayan ng bansa.
Dagdag pa ni Dureza mahalaga umanong ipaliwanag muna sa publiko ang pagbabago sa presyo ng langis sa lokal na pamilihan sa salitang pang masa ng sa ganun ay lubos na maintindihan ng mamamayan na walang kinalaman ang pamahalaan sa pagtaas sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Abbenal/PIA 12) [top]