Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 24 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/07/28

Tagalog News: "Better Philippines" hangad ng Pangulo sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2010

Manila (28 July) -- Inihayag ni Presidential Management and Staff (PMS) Director-General Secretary Cerge Remonde na hangad ng Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na makamit ang kanyang minimithing "better Philippines" bilang bahagi ng kanyang legasiya para sa mamamayang Pilipino bago magtapos ang kanyang termino sa taong 2010.

Binigyang-diin pa ni Remonde na wala umanong basehan ang agam-agam na magkakaroon ng extension ang panunungkulan ng Pangulong Arroyo kung saan hangad lamang umano ng Pangulo ang "better Philippines" sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2010 at ipapaubaya na sa susunod na Pangulo ang pamamahala sa bansa.

Wala din umanong plano ang Pangulo na talakayin ang Charter Change sa kanyang 8th State-of-the-Nation Address (SONA) ngayong araw (July 28, 2008). Sa halip ay pagtutuunang pansin nito ang mga accomplishments ng kanyang administrayon lalo na ang estado ng National Social Welfare Program (NSWP).

Dagdag pa ni Remonde, kung makikinig lamang ang mga kritiko ng Pangulo sa kanyang SONA ngayong araw, mas maiintindihan ng mga ito ang buong nilalaman ng kanyang SONA na nakatuon sa naging accomplishments ng kanyang administrasyon. (Abbenal/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PPA-9 launches regional sub-website
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines