Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/25

Tagalog News: Bagsakan Center pinasinayaan sa Gensan

Koronadal City (25 June) -- Pinasinayaan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12 at ng pamahalaang panglungsod ng General Santos noong Miyerkules ang isang Bagsakan Center sa Barangay Bula.

Ayon kay DA 12 Regional Technical Director Bai Dido Samama, ang bagsakan center ay nagkakahalaga ng P800,000 at bahagi ng programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na "Pagkain sa Bawat Mesa-Laban sa Kahirapan, na may layong magkapagbigay ng de-kalidad, ligtas, at abot-kayang pagkain.

Dahil dito, mas madali na ngayong mailalagak ng mga magsasaka ang kanilang produkto sa bagsakan center na ipagbibili naman ng bagsakan center sa publiko sa mas mababang presyo kung ikukumpara sa ibang retail outlets.

Kasabay ng pagpapasinaya ng bagsakan center, ibinigay naman ng ni Samama sa City Food Terminal Multi-Purpose Cooperative (CFTEMCO) ang Certificate of Turn-over kay CFTEMCO Chairperson Helen Llamas.

Lubos ang pasasalamat ni Llamas na naisakatuparan ang kanilang pangarap na magkaroon ang kanilang barangay ng isang pasilidad ng paglagakan ng kanilang mga produkto.

Nangako ito na kanilang aalagaan at bibigyang halaga ang bagsakan center upang mabigyan ng magandang serbisyo, hindi lamang ang mga miyembro ng kanilang kooperatiba kundi pati na rin ang mga magsasaka at mga mamimili sa lugar. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Bagsakan Center pinasinayaan sa Gensan
»Capiz tops oyster, mussel production
»Hiligaynon News: Poll automation natagaan katuman ni Pangulong Arroyo
»BGF steps up preparations to launch 3rd Balangay Boat, 2-day river cruise
»Caraga RCWC tackles Children?s Month Celebration
»Surigao Norte solon declares allout war vs illegal activities
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines