Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/07/07

Tagalog News: Inflation rate mananatiling mababa sa buong 2010

Manila (7 July) -- Sa ulat ng National Statistics Office bumaba sa 3.9 percent ang presyo ng mga pangunahing bilihin nitong Hunyo kung ikukumpara 4.3 percent noong Mayo.

Subalit, ayon pa rin sa ulat ng NSO, bahagyang tumaas sa 3.2 percent ang presyo ng mga pagkain kabilang na ang bigas, karne at itlog. Tumaas din ang bayarin sa tuition sa ilang paaralan sa buong kapuluan.

Samantala, sa taya ni dating Budget Secretary at UP Profession Benjamin Diokno, mas malamang na mananatiling mababa ang presyo ng mga bilihin sa buong taon. Aniya maaaring mananatili sa 4 percent ang inflation rate sa pagtatapos ng 2010.

Sa kabilang dako sinabi naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. na ang inflation nitong Hunyo ay bahagya lang na tumataas sa taya ng BSP na 3.8 to 4.3 percent kung kaya't hindi mahirap na maabot ng bansa ang target inflation rates sa 2010 at 2011.

Gayunman, mananatili umanong magmamanman ang BSP sa demand conditions at mga aksyon ng central banks upang agarang makapaglaan ang kaukulang pagbabago sa mga policy stance. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Inflation rate mananatiling mababa sa buong 2010
»Tagalog News: Luistro unang isasalang sa media seminar
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines