Tagalog News: Re-hiring ng mga opisyal na saklaw ng EO 2
Manila (6 August) -- Ang mga opisyales ng pamahalaan na saklaw ng Executive Order No. 2 na nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III ay maaari pa umanong magkaroon ng pagkakataong makapagpatuloy ng pagsisilbi sa pamahalaan.
Ayon kay communications Group secretary Herminio Coloma, ang posibilidad ng muling pagre-hire ng mga umano'y midnight appointees ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay base sa resulta ng pagrerepaso ng mga qualifications ng mga nasabing opisyal.
Ipinaliwanag din ni Coloma na ang Executive Order No. Pangulong Aquino ay naglalayong malinis ang kasalukuyang administrasyon ng mga midnight appointees at upang maisaayos na rin ang proseso ng pag-hire ng mga pampublikong opisyales.
Naging controversial ang ginawang pagtalaga ng Pangulong Arroyo ng maraming opisyales sa pamahalaan na itinuturing ng mga kritiko nito na malawakang paglabag sa ban sa mga midnight appointments.
Nakasaad sa Article VII Sec. 15 ng ating Saligang Batas na dalawang buwan bago isagawa ang halalang pam-Pangulo hanggang sa pagtatapos ng termino nito, ang isang Pangulo ay hindi maaaring gumawa ng mga appointments sa mga executive positions maliban lamang kung ang patuloy na vacancy ay magkakaroon ng epekto sa serbisyo publiko o maging banta sa seguridad ng publiko. (ac agad PIA12) [top]