Tagalog News: Higit 2,000 SAW rifles naihatid na sa Army
Manila (6 August) -- Inihatid na ang mahigit sa dalawang libong (2,000) mga Squad Automatic Weapons (SAW) sa iba't ibang Army Units na nakatalaga sa iba't ibang conflict-affected areas sa bansa.
Ang pagbili sa mga rifles, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for Plans Major General Jose Tony E. Villarete ay bahagi ng AFP Modernization Program na naglalayong magdaragdag sa kakayahan ng ground forces ng Philippine Army na sumasabak sa mga counter-insurgency operations.
Ilan sa mga katangian ng SAW rifle ang pagiging magaan. Hindi rin nangangailangan ng tripod ang SAW rifle para sa stabilization.
Sa pamamagitan ng bagong biling rifle, mababawasan ang logistical requirements sa pag suplay ng ammunition dahil sa marami ang naikakarga sa cartridge. Dahil dito, masusuportahan ang automatic firing at maiwasan ang return fire mula sa mga kalaban habang nananawagan ng reinforcement ang tropa.
Ang Squad Automatic Weapons ay naihatid sa mga army units tulad ng Army's Light Reaction Units (LRU), Scout Rangers at Special Forces. (drew hornales/PIA12) [top]