Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 19 August 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/08/06

Tagalog News: Ekonomiya ng SOCCSKSARGEN Region bumaba noong 2009, ayon sa NSCB 12

Manila (6 August) -- Bumaba ang economic performance ng Rehiyon 12 sa 1.3 percent noong 2009 mula sa mataas na antas nito na 4.5 percent noong 2008. Ito ang inihayag sa report na inilabas ng National Statistics Coordination Board Regional Division 12 (NSCB-12) sa isang press conference sa Koronadal City kahapon (Agosto 5).

Sa nasabing report tinukoy ni NSCB 12 Regional head Herlita Caraan, na ang bumaba ang ekonomiya ng rehiyon sa nagdaang taon dahil sa malaking pagbababa sa produksyon ng sektor ng agrikultura palaisdaan at forestry na bumaba sa negative 2.0 percent nitong nagdaang taon mula sa 6.6 percent noong 2008.

Paliwanag ni Caraan, lubhang naapektuhan ang agrikultura dahil sa mga pagbaha at peste na sumalanta sa mga taniman, at paglipat ng maraming magsasaka sa produksyon ng saging at mais mula sa nakasanayang produksyon ng pinya.

Naapektuhan rin umano ang kita sa fishery sector ng fishing ban na pinapatupad ng Western and Central Pacific Fisheries Conference (WCPFC) laban sa pangingisda ng tuna sa ilang bahagi ni international fishing grounds sa Pasipiko.

Gayunman, sa taong 2009 ang industry sector ng rehiyon ay umangat sa 3.8 percent mula sa 3.5 percent noong 2008. Kabilang dito ang construction subsector na nakapagtala ng 19.3 percent growth mula sa 5.6 percent noong 2008.

Samantala nakapagtala rin ng pag-angat sa service sector sa 3.8 percent nitong 2009 mula sa 2.4 noong 2008. Kinabibilangan ito ng private services tulad ng hotels and restaurant at ng finance sector na parehong nagrehistro ng paglago. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Pangulong Aquino gagamitin ang unang sahod pambayad na kanyang bills
»Tagalog News: PDEA, Migrant Workers Administration nagbanta laban sa illegal drug trafficking
»Tagalog News: Re-hiring ng mga opisyal na saklaw ng EO 2
»Tagalog News: Higit 2,000 SAW rifles naihatid na sa Army
»Tagalog News: Textbook evaluators sasailalim sa screening process - DepEd
»Tagalog News: Ekonomiya ng SOCCSKSARGEN Region bumaba noong 2009, ayon sa NSCB 12
»Tagalog News: Mahigit 5 milyong SK registrants inaasahan ng Comelec
»Tagalog News: Palasyo hindi babawiin ang EO No. 2
»Tagalog News: Panukalang budget sa 2011 hindi lalampas sa P1.7T
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines