Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 19 August 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/08/06

Tagalog News: Palasyo hindi babawiin ang EO No. 2

Manila (6 August) -- Siniguro kahapon ng Malakanyang na hindi babawiin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Executive Order No. 2 na nagpapawalang-bisa sa mga "midnight appointments" ng nagdaang administrasyon.

Isinantabi rin ni Chief President Legal Counsel Eduardo de Mesa ang pahayag ng kampo ni dating Pagulong Gloria Macapagal-Arroyo na "unconstitutional" ang EO No. 2 sa paggiit na ginawa ang "appointment" bago pa ang ban ng appoinments noong Marso 10.

Paliwanag ni de Mesa, bagamat ginawa ang appointment bago ang Marso 10, ang mga itinalaga sa puwesto ay umupo sa panahon na ng ban. Maraming pagkakataon na rin umanong ipinawalang-bisa ng Korte Suprema ang ganitong appoinments.

Aniya, matagal nang nilinaw ng SC ang ganitong isyu, sa pagsasabing ang appointment ay isang two-way process; magiging ganap lang ito sa panahon na tinanggap ng appointee ang posisyon at nanumpa ito.

Samantala, sinabi ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Pangulo, na "literal" ang interprestasyon ng dating pangulo sa probisyon ng ban sa midnight appointments.

Aniya, ang posisyon ng Malakanyang ay panghawakan ang diwa ng nasabing probisyon na malinaw na nagsasaad na nilabag ng dating administrasyon ang Konstitusyon. (DE Doguiles/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Pangulong Aquino gagamitin ang unang sahod pambayad na kanyang bills
»Tagalog News: PDEA, Migrant Workers Administration nagbanta laban sa illegal drug trafficking
»Tagalog News: Re-hiring ng mga opisyal na saklaw ng EO 2
»Tagalog News: Higit 2,000 SAW rifles naihatid na sa Army
»Tagalog News: Textbook evaluators sasailalim sa screening process - DepEd
»Tagalog News: Ekonomiya ng SOCCSKSARGEN Region bumaba noong 2009, ayon sa NSCB 12
»Tagalog News: Mahigit 5 milyong SK registrants inaasahan ng Comelec
»Tagalog News: Palasyo hindi babawiin ang EO No. 2
»Tagalog News: Panukalang budget sa 2011 hindi lalampas sa P1.7T
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines