Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: Senior citizens edad 77 pataas, tumanggap ng social pension mula sa DSWD

BATANGAS CITY, Enero 5 (PIA) -- May 200 na katandaan sa lungsod ng Batangas na may edad 77 pataas ang nakatanggap ng kanilang social pension for indigent senior citizens para sa 3rd at 4th quarter ng 2011 kamakailan. Ito ay alinsunod sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act.

Ang 122 sa mga pensioners ay nakatanggap ng P3,000 bawat isa habang ang 78 ay nakatanggap ng P6,000.

Sila ang mga kapalit ng mga pensioners na sumakabilang buhay na kung kayat buo nilang natanggap ang kanilang pension para sa buong taon.

Sa nasabing batas, pagkakalooban ng halagang P500 kada buwan ang mga higit na nangangailangan na senior citizens. Ito ay matatanggap nila sa bawat quarter ng taon.

Base pa sa RA 9994, ang halagang ito ay bilang tulong pinansyal para sa kalusugan ng mga pangunahing mamamayan ng bansa.

Ang nasabing programa ay mula sa pagsusulong ng pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Mila Espaņola, hepe ng city social welfare and development office (CSWDO), ang mga senior citizens na nakatanggap ng social pension ay mga indigent na katatandaan at walang anumang pension na natatanggap.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benepisaryo tulad ni Aling Flor Manalo ng Barangay Liponpon, Isla Verde, 78 taong gulang, may 9 na anak at 20 apo. Aniya, malaking tulong ito bilang pang-ayuda sa kanyang pagpapagamot at ilang pang araw-araw na gastusin. (Monina Fernandez/Ronna Endaya Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines