Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 14 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Pamamalakad ng pamahalaan ng Rizal, kinilala

ANTIPOLO CITY, Rizal, Enero 8 (PIA) -- Sa isang memorandum mula sa Bureau of Local Government Supervision (BLGS) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa mga regional at provincial directors nito, iniulat ni Assistant Secretary Rolando Acosta ang tungkol sa mga pamahalaang lokal na ginawaran ng Seal of Good Housekeeping para sa taong 2011.

Ang lalawigan ng Rizal ay nabigyan ng Seal, samantalang dalawang bayan ng lalawigan – ang Jalajala at Teresa – ang ginawaran din ng Seal of Good Housekeeping sa kategoryang pambayan.

Ginagamit ng DILG ang naturang parangal upang masukat ang pagganap sa tungkulin at antas ng pamamahala ng isang pamahalaang lokal base sa fiscal management at transparency and accountability na nakatuon sa full disclosure of local budget and finances, bids at public offerings.

Ang mga LGUs na nakapapasa sa Seal of Good Housekeeping ay magiging kwalipikado na tumanggap ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ang pondong ito ay puwedeng gamitin lamang bilang capital expenditures para sa aprubadong annual investment program (AIP) at implementasyon ng mga sumusunod na proyekto – rural electrification, local roads, farm-to-market roads and bridges, local economic enterprises, flood control at drainage.

Ito rin ay inilalaan upang suportahan ang mga proyekto ng pamahalaang nasyonal, katulad ng millennium development goals (MDGs), Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, at ng Solid Waste Management Act of 2000.

“Lalo nating pagsusumikapang mapabuti pa ang ating pamamahala, hindi dahil sa mga award kung hindi para sa ating mga mamamayan na mabibiyayaan dahil sa magandang pamamalakad sa pamahalaan,” pahayag ni Rizal Gob. Jun Ynares.

Dahil sa pagtanggap ng Seal, ang lalawigan ng Rizal ay nakatakdang tumanggap ng P30 milyon mula sa LGSF para sa implementasyon ng iba’t ibang programa at proyekto nito. (Rizal PIO/CPG, PIA-4A)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines