Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 14 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAL Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
120201-cal-citation

BRGY. SAN FRANCISCO TANODS CITED. General Trias, Cavite Mayor Luis 'Jon-Jon' Ferrer IV (2nd from left) together with Police Superintendent Gregorio Evangelista Jr, Chief of Police of the town, Cavite Councilor's League (CCL) Federation Prexy Morit Sison and Sangguniang Bayan members posed with Members Bantay Bayan of Barangay San Francisco after commended for the exemplary performance solving crimes in the locality during the simple ceremony held at municipal grounds in town proper. (Photo by Dennis Caparas-Abrina)
Calabarzon Sub-Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: K+12 program,ipinaliwanag ng DepEd

ni Bhaby Mamerta Perea De castro

BATANGAS CITY, Enero 8 (PIA) -- Dahil sa maraming katanungan kaugnay ng bagong programang K+12 ng Department of Education (DepEd), nagpaliwanag ang naturang tanggapan ukol dito.

Sinabi ni Generiego Javier mula sa DepEd Batangas city division na ang K+12 ay isang programa upang mas mapabuti ang basic education ng mga mag-aaral.

Ang naturang programa kung saan pasisimulaan ang universal kindergarten program ay nagsimula noong nakaraang taon at ang bagong curriculum mula Grade 1 hanggang Grade 7 (high school year 1) ay pasisimulan sa taong ito. Ang Grade 11 naman (high school year 5) ay pasisimulan sa 2016 at Grade 12 (high school year 6) ay sa taong 2017.

Nakatakdang magtapos ang unang grupo ng mga mag-aaral na sasailalim sa K+12 program sa taong 2018.

Ipinaliwanag ni Javier na ang dalawang taong madadagdag sa pag-aaral ay kapag natapos na ang apat na taong high school program kung saan tatawagin itong senior high school.

Sinabi pa nito na isa sa magandang layunin ng programa ang matukoy ang dahilan ng mataas na bilang ng dropouts na ang karaniwan ay ang kawalan ng kaalaman sa dami ng pinag-aaralan at kawalan ng interes.

Idinisenyo ang K+12 na naaayon sa interes ng mga mag-aaral kung saan may mga elective subjects na maaari nilang piliin, maaari ring magsagawa ng home schooling program sa mga mag-aaral sa elementarya at magbukas ng dropout reduction program sa mga nasa sekondarya.

Kaugnay naman ng empleyo,nakipagkasundo na ang DepEd sa mga business organizations, lokal at dayuhang chamber of commerce and industries upang ikonsidera ang mga graduates ng K+12 sa posibleng trabaho. Magkakaroon ng matching ng kinakailangang trabaho at natapos upang masiguro na mabibigyan ang mga mag-aaral ng nararapat na trabaho base sa kanilang kakayahan.

Sinabi din ni Javier na maging ang mga pribadong paaralan ay magpapatupad din ng K+12 program ngunit sa naiibang paraan at sa kasalukuyan ay pinag-uusapan na kasama ang mga may-ari ng pribadong paaralan.

Isasagawa din sa naturang programa ang mastery ng asignatura ukol sa Math, Science at English gayundin ang pagkakaroon ng specialization sa mga mag-aaral base sa kanilang interes kung saan magiging sentro ang academics, middle-level development, sports at arts.

Upang tukuyin naman ang kaalaman ng mga mag-aaral, sasailalim sila sa aptitude test, career assessment exam at occupational interest inventory.

Binigyang-diin din na ang batas kaugnay ng Kindergarten ay nananatiling nakapending sa Kongreso kaya't hindi pa ito pre-requisite upang mag-aral ng Grade 1. (MPDC, PIA-Batangas)

 
Latest Stories
  • Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon (CAL)
  • Business incubation program for Quezon small entrepreneurs, set for launching in February (CAL)
  • Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo (CAL)
  • Quezon agriculture office holds upland rice management training (CAL)
  • PNP-Laguna launches 'Oplan: Angry Bird' (CAL)
  • Tagalog news: Proyektong pang-imprastraktura sa Batangas, patuloy na ipinatutupad (CAL)
  • La Laguna Festival 2012, slated April 20-29 (CAL)
  • Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas (CAL)
  • PNP, patuloy sa paglaban sa kriminalidad (CAL)
  • Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado na (CAL)
  • Tagalog news: Flood-prone at landslide-prone areas sa Batangas, tinukoy (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • PCCI, FFCCCII turns over school buldings to Carmona- LGU (CAL)
  • Tagalog news: La Laguna Festival 2012, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan (CAL)
  • Tagalog news: Laguna Red Cross convention, tagumpay (CAL)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines