PIA Press Release Monday, January 09, 2012Tagalog news: DepEd–Batangas city, nagsagawa ng oryentasyon ukol sa ‘early registration’ni Bhaby Mamerta Perea-De CastroBATANGAS CITY, Enero 9 (PIA) -- Nagsagawa ng oryentasyon para sa mga magulang, residente at lider ng komunidad ukol sa pagsasagawa ng maagang pagrehistro ng mga batang magsisipag-aral sa pagbubukas ng taong 2012-2013 ang Department of Education-Division (DepEd) -Batangas city kamakailan. Nakatakda namang isagawa ang maagang rehistrasyon ng mga batang mag-aaral sa Kindergarten, Grade 1 at Balik Eskwela sa Enero 14 at 21 sa iba't-ibang paaralan na kabilang sa nasasakupan ng division of Batangas city. Ang mga magsisipag-aral naman sa first year high school, balik eskwela at alternative learning system (ALS) ay nakatakdang magrehistro sa ika-28 ng Enero,2011. May apat na paaralan na sakop ng division of Batangas City ang may programang kaugnay ng SPED (special education). Ito ay ang Batangas city east central school na may 107 non-graded at 1 graded na mga SPED students; Sampaga elementary school na may 11 non graded na SPED students; Batangas city south elecmentary school na may 45 graded students at ang Batangas national high school na may 28 graded SPED students. Ayon kay Generiego Javier ng DepEd Batangas city, ang maagang rehistrasyon ay hindi nangangahulugan na naka-enrol na ang mga batang mag-aaral bagkus ito ay naglalayong madetermina o matukoy ng DepEd ang posibleng dami ng batang madadagdag sa susunod na pasukan upang mabigyang solusyon din ang mga kakulangan sa paaralan tulad ng silya,lamesa,libro at iba pang kagamitan. Aniya, ang bilang ng mga nagparehistro ng maaga ay maaaring magkaroon ng pagbabago depende sa enrollment sa mismong araw bago ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa isang partikular na taon. Isang mabisang paraan ito upang tukuyin at makita ang mga kakulangan at pangangailangan ng isnag paaralan upang lalong mapag-ibayo ang pagtutuon at pagapapalaganap ng kaalaman lalo na sa mga kabataan.(MPDC, PIA-Batangas) |