Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Wednesday, January 04, 2012

Tagalog News: Mga nars ng Tabuk nagsanay ukol sa nutrisyon

ni Gigi Dumallig

TABUK CITY, Kalinga,Enero 4(PIA) -- Nagkaroon ng pagsasanay kamakailan ang mga nars sa mga pampublikong paaralan ng lungsod ng Tabuk upang maipamahagi sa kanila ang mga impormasyon at kaalaman ukol sa pagbibigay ng tamang nutrisyon para sa mga bata.

Ayon kay Provincial Nutritionist Frances Sebastian, importante ang papel ng mga narses sa paaralan sa pagbabahagi ng mga impormasyon ukol sa nasabing paksa sa mga mag-aaral, guro at sa mga magulang.

Sa kanilang pagsasanay, sa pamamagitan ng modular na paraan dumaan ang mga nars sa mga lectures at demonstrations sa mga paksa ng Infant and Young Child Feeding, Pabasa sa Nutrisyon at Oriented on the Nutrition Guidelines for Filipinos, para mapag-aralan nila ng masinsinan ang mga importanteng bagay upang sila ay maging epektibo sa pagtuturo.

Ayon kay Sebastian, ang nga batang Kalinga tulad ng nakakaraming Pilipino ay nakakaranas rin ng malnutritsyon dahil sa maling kasanayan o walang kaalaman sa tamang pagkain o kaya’y salat sa buhay at hindi makabili ng pagkain.

Upang bigyan pansin ang naturang problema, itinala ng gobyerno ang Accelerated Hunger Mitigation Program (AHMP) kung saan isa sa mga pangunahing bahagi nito ay ang “Promote Good Nutrition” sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa publiko ukol sa tamang pagpili ng pagkain para sa mga pamilyang Pilipino.

Sa pamamagitan ng mga nars, ang sector ng pangkalusugan ay nais matugunan ang pagtaas ng kaalaman ng mga pamilyang Pilipino ukol sa ano ang dapat kinakain at kung paano ito maaring itanim at palaguin sa kanikanilang mga bakuran, ani Sebastian.

Ang Kalinga aniya ay nilikha na may masaganang lupa, at sa tamang kaalaman, ang kada- pamilya ay maaring gamitin ito upang makapaglago ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop. Sa pamamagitan nito ay masisigurado na may pagkain sa kanilang hapag-kainan sa araw-araw. Ito aniya ay maari ring makatulong bilang dagdag hanap-buhay ng pamilya. Ang pagtatanim ng gulay sa bakuran aniya ay maari ring gawin sa mga eskwelahan.

Sa mga programang ito, kinakailangan aniya na maki-bahagi ang mga bata sa mga gawain upang lalo nilang bigyan halaga ang importansya ang tamang pagkain at pagpapalago nito.

Isa sa mga adhikain ng naturang pagsasanay ay upang maipatupad ang World Health Organization feeding practices lalo na sa mga bata at upang matuto ang bawat pamilyang Pilipino na pahalagahan ang sa tamang nutrisyon at pagpapalago ng pagkain sa kanilang mga bakuran sa halip na bumibili sila nito. (JDP/GGD- PIA CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines