Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 22 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Kalinga- BHWs nakatanggap ng insentibo

ni Gigi Dumallig

TABUK CITY, Kalinga, Enero 6(PIA)-- Nagbigay kamakailan ang pamahalaang panlalawigan ng tig-P1,000.00 sa mga rehistrado at accredited na mga Barangay Health Workers (BHWs) sa lalawigan bilang insentibo sa taong 2011.

Ayon kay Assistant Provincial BHW Coordinator Frances Reggie Ramirez, laking tuwa ng mga BHWs nang sabihin ni Governor Jocel Baac ang pagbibigay insentibo sa kanila.

Ito aniya ay isang magandang pamasko sa mga BHWs kung saan bilang mga volunteer ay may ilang tumatanggap lamang ng P300.00 kada tatlong buwan bilang honorarium, habang meron namang nakakatanggap ng P1,800.00 depende sa kakayahan pampinansyal ng kanilang pamahalaang barangay.

Karapat-dapat lamang aniya na tumanggap din sila ng mga ibang benipisyo.

Ayon kay Ramirez, malaki ang naitutulong ng mga BHWs dahil sila ang pangunahing nagbibigay ng mga pangkalusugang programa ng pamahalaan lalo na sa mga pinakamalayong lugar kung saan kinakailangan minsan ang ilang oras na paglalakad upang madala ang mga pangkalusugang pangangailangan ng mga tao.

Ang mga BHW ay nagtipun kamakailan sa isang convention na may temang “Hope Realized in Service with Love.” Ayon kay Ramirez ginanap ang pagtitipun upang mabigyan din ang mga BHWs ng oras na magkita-kita at magdiwang ng pasko. Higit sa 700 ang dumalo sa naturang pagtitipon. Base sa pinaka-huling talaan mayroong 855 na aktibong BHWs sa lalawigan.

Sa kanyang mensahe, nagbigay pugay si Baac sa mga serbisyong ipinamalas ng mga BHWs kahit maliit ang kanilang honorarium upang masiguro lamang ang mabuting kalusugan ng kanilang mga sinasakupan.

Maliban sa gubernador, dumalo rin sa naturang pagdiriwang ang Provincial DILG Director na si Francisco Gamatero at si Provincial Health Officer, Dr. Romulo Gaerlan, na kapwa nanghikayat sa nga BHW an ipagpatuloy ang kanilang serbisyo para sa kapakanan ng mga pamilya sa nga bayan.(GGD, PIA-CAR, Kalinga)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines