Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Kaso ng disgrasya sa paputok sa Cordillera bumaba ng 46 porsiyento

by Lito Dar

BAGUIO CITY, Jan. 8 (PIA) -- Matagumpay ang kampanya ng Department of Health sa rehiyon laban sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong o pagdiriwang ng bagong-taon.

Ito ang pahayag ni DOH Center for Health and Development – Cordillera (DOH-CHD-CAR) Regional Director Dr. Myrna Cabotaje.

Aniya, ang 52 na kasong naitala ngayong taon ay 46 na porsiyentong mas mababa, kumpara sa 96 na kaso na naitala noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH-CHD-CAR, mula December 21, 2011 hanggang January 4, 2012, 52 na kaso ng ‘firework-related injury’ ang naitala sa buong rehiyon.

Dalawamput tatlo sa mga kaso ng paputok-injury ay naitala sa Abra, dalawa sa Apayao, 13 sa Baguio, tatlo sa Benguet, dalawa sa Ifugao, lima sa Kalinga at apat sa Mountain Province.

Batay naman sa edad, pinakamarami sa mga nabiktima ng paputok ay iyung nasa anim hanggang laping-apat (14) na taon, at kung saan ang pinaka-batang biktima ay dalawang taon at 54 anyaos naman ang nai-tala na pinaka-matanda.

Pangunahing paputok na ginamit ng mga biktima ay piccolo, 23 na kaso; kwitis, 7; pla-pla, 5; lusis, 5; fountain, 2; five star, 2; whistle bomb, 3; at baby rocket, 2. Tatlo (3) naman sa mga naitalang kaso ay mula sa hindi matukoy na paputok.

Dalawang lalaki naman ang nai-ulat na nasugatan dahil sa ligaw na bala o ‘stray bullet’ sa rehiyon. Ang mga biktima ay isang 50 anyos sa Mankayan, Benguet at isang 28 anyos sa Bangued, Abra.

Pinasalamatan ni Cabotaje ang lahat ng sangay ng gobyerno, lokal na pamahalaan at iba pang sector sa kanilang pakikipagtulungan at pakiki-isa na siyang naging dahilan upang maging matagumpay ang kampanya laban sa paggamit ng paputok dito sa Kordilyera.

Samantala, sa pambansang talaan naman ng DOH, 1,021 na kaso ng ‘firework-related injuries’ ang naitala mula sa iba’t-ibang panig ng bansa, at ito ay mas mababa ng isang kaso kumpara noong nakaraang taon.

Sa 1,021 na kasong naitala, 987 ang ‘fireworks-related injury’, 29 na kaso ay dahil sa ligaw nab ala (stray-bullet) at lima ang dahil sa ‘fireworks-related ingestion’ o pagkalunok ng isang uri ng paputok.

Ayon kay Health Secreatary Dr. Enrique Ona, naging positibo umano ang pagiging-epektibo ng bagong kampanya ng DOH laban sa paputok para sa taong ito na kanilang tinawag na APIR o Aksyon: Paputok Injury Reduction.

Kaugnay rito, nangako din si Secretary Ona ng mas pinag-ibayo at mas-agresibo na kampanya laban sa paputok nitong 2012. (LD/PIA CAR)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines