Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region CAR Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
120129-car-logo

Best Logo. Aeronne Paul Coronel of Benguet State University, with his winning design for the 'Save Balili River, Count Me In! Logo design contest of the Balili River System Revitalization Coalition (BRSRC) during the awarding program cum Kapihan media forum at the Benguet State University, Thursday. The handing of cash prize and certificate of recognition were La Trinidad Mayor Greg Abalos and Raffy Tallocoy of the Baguio CityMayor's Office. (Photo By Lito Dar/PIA-CAR)
Cordillera Administrative Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog news: Karamihan sa kaso ng kanser sa bansa ‘lifestyle-related’, ayon sa DOH

BAGUIO CITY, Jan. 19 (PIA) -- Karamihan sa kaso ng kanser na naitatala sa bansa ay ‘lifestyle related’, ito ang pahayag ni Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) Oncologist Dr. Jasmin Igama, consultant ng Department of Health (DOH-CAR) sa isang kapihan media forum kahapon.

Ayon kay Igama, ‘one-third’ lamang ng kasong kanilang hinawakan sa BGHMC ang ‘genetically-related’ o nasa lahi na ng pasyente at ang two-thirds naman sa mga kaso ng kanser ay dahil sa klase ng pamumuhay o ‘lifestyle-related’.

Ito rin ang pahayag ni Dr. Jennifer Balatian, isa pang Oncologist ng BGHMC na kabilang sa mga eksperto na inimbita ng DOH-Cordilera para sa naturang forum. Ayon kay Balatian, sa kabila ng pagtaas ng ‘awareness’ o kaalaman ng publiko tungkol sa kanser, ay patuloy pa din itong napapabilang sa mga pangunahing uri ng sakit at kadahilanan ng pagkamatay ng isang tao, kung saan sa talaan ng BGHMC, ito ay pang-sampu sa pinaka-madalas o pinaka-maraming kaso ng sakit na kanilang hinahawakan at pang-pito naman sa mga kadahilanan ng pagkamatay o ‘mortality’.

Sa talaan ng DOH, lung kanser ang nangunguna , sumusunod ang breast, colon, rectal at liver cancer.

Kaugnay nito at sa paggunita ng bansa sa ‘National Cancer Awareness Week’ ngayong linggo (January 18 – 22), pinangunahan ng DOH-CAR ang naturang Kapihan media forum, kung saan muling pinaa-alala sa publiko ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay o ‘healthy lifestyle’.

“Pangunahing layunin ng obserbasyon ng National Cancer Awareness Week ay ang pagpapa-alala sa publiko ang kahalagahan ng pagpanatili ng ‘healthy lifestyle’ upang maiwasan ang sakit na kanser”, pahayag ni Balatian.

Binigyan diin ni Balatian na bagama’t may kakayahan na ngayon upang magamot ang kanser lalo na kung ito ay masusuri o magagamot ng maaga, ‘prevention’ pa rin umano ang mas mainam kaysa sa ‘treatment’, upang masiguro ang kaligtasan ng buhay at makaiwas ang publiko sa mahal na gastusan upang gamutin ang anumang uri ng kanser.

Sa ‘Healthy Lifestyle’ na kampanya ng DOH, kanilang ina-advocate sa publiko ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay, kung saan kabilang ang hindi paninigarilyo, hindi pag-inom ng alak, pag-iwas sa illegal droga, pagpapanatili ng low-salt/low-fat na diet, pag-iwas sa hypertension, pag-eehersisyo o pagpapanatili ng mga piskal na gawain, at ang pag-manage ng ‘stress’. (JDP/LD-PIA CAR)

 
Latest Stories
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • Kalinga nutrition congress moves to reduce malnutrition (CAR)
  • NCIP joins 4Ps planning workshop in Baguio city (CAR)
  • Kalinga holds 1st Health Forum (CAR)
  • Kaelco proposes 24-hout power service (CAR)
  • 30 micro-firm owners take management & shop floor seminar (CAR)
  • Competitive exams for fisheries scholarship program on March 17 (CAR)
  • DepEd USec inspects school projects in Ifugao (CAR)
  • Tanudan migrant workers group to hold medical mission in home town (CAR)
  • Ifugao town organizes committee on anti-trafficking, VAWC (CAR)
  • NCCA sustains SLTs in preserving Benguet's cultural heritage (CAR)
  • DPWH assures better road in time for Panagbenga (CAR)
  • Baguio city mayor reiterates call for waste segregation, commits to obey SC order on use of Irisan dumpsite (CAR)
  • “Lames Festival” brought more fun, as La Paz celebrates town fiesta (CAR)
  • CSC- Abra encourages more nominations for awards program (CAR)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines