Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region GHQ Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
National Capital Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog news:TESDA at SEIPI nagsanib para sa pagsasanay ng mahigit 9,000 manggagawa

TAGUIG CITY, Enero 3 --Naglaan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P50 milyon para sa pagsasanay ng 9,295 manggagawa sa mga sektor ng semi-conductor at electronics upang makaagapay sa pangangailangan ng industriya.

Naging pormal ang programa sa pagsasanay at pagpapalakas ng mga manggagawa sa nilagdaang memorandum of agreement ni TESDA Director General Joel Villanueva at ng Semiconductor and Electronics Industries of the Philippines Inc. (SEIPI) na kinatawan ng presidente nitong si Norberto Viera.

Sinabi ni Villanueva na P50 milyong halaga ng scholarship vouchers sa ilalim ng Industry-based Training for Work Scholarship Program ang inilaan ng TESDA “upang magsanay ng kuwalipikadong grupo ng mangagawang mayroong taglay na pandaigdigang kahusayan, handa sa trabaho, at tutugon sa pangangailangan ng sektor.”

Sa kabuuang 9,295 target na benepisyunaryo, magmumula ang 3,045 sa kasalukuyang mga manggagawa na sasanayin sa “productivity and technology enhancement” at 6,250 naman ang mga bagito na magsasanay bilang production workers.

Maaaring mas lumaki pa ang bilang ng target na mga benepisyunaryo sang-ayon sa maisasapinal na qualification map.

“Maglalaaan ang TESDA ng scholarship vouchers na nagkakahalaga ng P50 milyon sa SEIPI sa panahon ng proyekto. Ang proyektong ito ay pagpapatunay ng public-private partnership ng pamahalaan para tulungan ang limitadong pondo ng pamahalaan at ibahagi ang kasanayan sa pagkakaloob ng serbisyo sa publiko,” pahayag ni Villanueva.

Ang SEIPI ay isang umbrella organization ng semiconductor at electronics industry sa bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang SEIPI na mabibigyan ng trabaho ang anim sa 10 benepisyunaryo sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon matapos ang kanilang pagsasanay.

Itatataga rin ang Training Development Fund mula naman sa 20 porsiyento ng kabuoang halaga sa pagsasanay ng bawat iskolar na makukuha sa trabaho.

Gagamitin ang pondo sa mga pagsasanay sa hinaharap ng mga kasalukuyang mangagagawa, pre-employment at paghasa sa papasok na mga kawani sa semiconductor at electronics sector at promosyon ng mga programa sa pagsasanay.

Ipapamahagi ng SEIPI sa kasaping mga kompanya ang vouchers at kukunin ng mga ito ang serbisyo ng Advanced Research and Competency Development Institute (ARCDI) sa pagsasagawa ng pagsasanay base sa mga programang nakapaloob sa qualification map na bubuuin ng TESDA at SEIPI.

Maglalaan naman ang TESDA ng lugar sa pagsasanay sa loob ng complex nito sa Taguig City para sa implementasyon ng programa.

 
Latest Stories
  • Science teaching enhanced in K to 12 curriculum (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • Single ticketing system scheme approved – MMDA (GHQ)
  • DepEd Media Advisory: Early Registration Day (GHQ)
  • Statement of Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte (GHQ)
  • ASEAN news: First Argentinean Ambassador Presents Credentials to ASEAN Secretary-General (GHQ)
  • Tagalog News: Pagbabaha sa Metro-Manila, gagawan ng permanenteng solusyon (GHQ)
  • Ochoa enjoins public servants to support 'Bayanihan ng Bayan' (GHQ)
  • Tagalog News: Kontribusyon ng mga OFW sa SSS inextend ang deadline (GHQ)
  • OFW contribution deadline extended –-SSS (GHQ)
  • Update SSS records for faster processing of benefits (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast Alternate Channel (GHQ)
  • PNP raises cop recruitment standard (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast (GHQ)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines